Mariel Rodriguez affected sa maraming kissing scenes ni Robin kina Anne Curtis at Kris Aquino

    614
    0
    SHARE

    Natatawa na lang si Robin Padilla kapag nare-recall ang ‘pang-aaway’ sa kanya ng bunsong anak ni Kris Aquino na si Baby James sa set ng serye nila ng Queen of All Media na Kailangan Ko’y Ikaw matapos kunan ang kissing scene nila.

    Hindi naman nakita ni Bimby ’yung mismong scene at siguro raw ay may nagkuwento sa bata at nang malaman ito, talagang sinugod daw siya.

    Ano ang sabi sa kanya ni Bimby?

    “English, eh, hindi ko maintindihan,” natatawa niyang sabi nang makatsikahan namin siya sa ipinatawag nilang dinner ng asawang si Mariel Rodriguez for the press last Sunday night sa kanilang bahay sa West Fairview.

    “Parang sabi niya, “what are you doing to my mom?” Siyempre, nagulat ako. Hinahamon ako ng suntukan.

    Galit na galit, nagwawala du’n sa church (kung saan sila nagte-taping). Sinabihan ni Kris na nasa simbahan na kami, tapos inilabas niya.

    “Nung pagkaalis niya, tinanong ko ’yung mga tao kung ano ang sabi kasi di ko nga naintindihan.

    Away daw kami, hinahamon daw ako ng suntukan. Pagbalik ni Kris, sabi ko, ‘ang galing ng anak mo.’ ’Yun ang anak! Nakita ko nga ang sarli ko, eh,” say ni Binoe.

    Bukod kay Kris, kasama rin sa serye si Anne Curtis at may love scenes din sila. Medyo nahiya nga lang daw siya sa young actress dahil nakita raw niya itong lumaki at parang kuya ang turing nito sa kanya.

    “Sabi ko nga, ano ’to incest? Kasama ako sa buhay niya dahil nga kay Betchay (Vidanes na manager ni Binoe at malapit na kaibigan ni Anne). Kumbaga, kasama ako talaga sa lahat ng nangyayari sa kanya dahil kay Betchay.”

    Pero talagang ganu’n, kailangan daw nilang gawin ang kissing scene dahil ’yun ang hinihingi sa story.

    Hindi ba naman nagselos si Mariel sa rami ng kissing scenes niya sa dalawang leading ladies?

    “Eh, siyempre, babae ’yan. Pero tahimik lang kasi ’yan, eh. Pero alam ko apektado siya, tao ’yan, eh.

    Kahit naman sino, wala namang taong ’di maaapektuhan. Baligtarin natin, kung ako naman ang makakakita na may hinahalikan siya, baka ako naman ’yung…kawawa naman ’yung kahalikan niya,” say ni Binoe.

    Samantala, nagpapagawa pala si Binoe ng mga bahay ngayon para sa kanyang mga kapatid na Muslim na walang bahay.

    A total of 64 houses ang ipapamigay niya kaya naman sobra talaga ang paghanga namin sa action star dahil hindi naman biro ang magpagawa ng bahay para ipamigay mo lang at hindi lang isa kungdi 64, just imagine!      

    As in libre talaga. Wala na yatang taong makakagawa ng ganyan kahit pa ang mga politiko natin.

    Kaya naman hangad namin ang patuloy pang pananagumpay ni Robin para naman mas marami pa siyang matulungan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here