Hindi naman pala totoong hiwalay na sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez at ewan kung saan galing ang tsismis dahil strong na strong pa rin ang pagsasama nila.
In fact, nang umuwi nga raw si Mariel sa ’Pinas galing US recently ay sinorpresa niya ang asawa at pinuno ng flowers ang buong bahay nila. Alam daw kasi ni Binoe na mahilig sa bulaklak ang misis.
Hindi na lang daw pinapansin ng mag-asawa ang tsismis at ni hindi raw nila pinag-uusapan. Say nga ni Mariel, sorry na lang daw sa mga naninira, sorry na lang daw dahil hindi pa sila maghihiwalay.
Truth is, ang pinag-aawayan nila ngayon ay ang pagiging addict ni Mariel sa Candy Crush. ’Pag nasa bahay daw sila, habang nanonood ng news si Binoe ay naglalaro siya ng nasabing game at naloloka raw si Binoe.
Kantyaw nga raw ni Binoe sa kanya, ipapa-rehab na raw siya nito dahil sa pagiging addict sa Candy Crush.
Anyway, sa darating na b-day ni Binoe ay si Mariel naman daw ang magti-treat sa mister ng out of the country trip.
Kahit medyo malayu-malayo pa ay pina-block na ng TV host ang schedule ng asawa para sa kaarawan nito.