Ngayon lang lumabas na grabe palang talaga yung maliit na kontrobersya nina Toni Gonzaga at Mariel Rodriguez tungkol dun di natuloy na project sana noon nina Toni at Robin.
Ipinapalagay na nakialam si Mariel kaya di natuloy ang pelikula. Ngayon nga ,sa pagharap kamakailan ni Toni sa press, naungkat ang tungkol dito. Bagamat ayaw namang magsalita ni Toni, malinaw na malaki ang tampo at sama ng loob ng una sa huli at di basta-basta magagawan ng paraan sa ngayon.
“Wala akong problema kay Robin, hindi ito tungkol sa pelikula,” paglilinaw ni Toni.
So, ano talaga ang nangyari?
“Hmm, alam naman niya siguro ang ginawa niya, ’yung mga nangyari, ayoko nang i-elaborate, basta bahala na lang sila, Kung ide-deny at iko-confirm. Basta ako, ang importante sa akin, marunong akong magpahalaga ng mga tao sa buhay ko at hindi ako…ayoko na, kasi ’pag sinabi ko, alam n’yo na.”
Ayon kay Toni ay medyo matagal-tagal na ang nangyari (sa kuwenta ng press base sa sagot niya ay mga two months ago), bago pa man daw pumasok si Robin sa buhay ni Mariel. Kaya paulit-ulit niyang nilinaw na walang kinalaman si Binoe dito.
Since then ay hindi pa ba sila nagkausap ni Mariel?
“Nagkausap pero may klinaro lang ako, may nilinaw, tapos, tapos na. Inaayos ko lang, tinatama ko lang kung ano ang narinig.”
May dapat bang pagselosan si Mariel sa kanya?
“Hindi, hindi naman issue ’yung selos-selos, walang kinalaman ang selos. Iba ’yung sa akin. Malalim yung sa akin kaya ayoko na ring i-share kasi lalaki pa, sabihin pa, idinadamay or kung ano, kasi ang dali-dali naming i-deny ang lahat ng bagay, so huwag na lang.”
Hindi rin masagot ni Toni kung mababalik pa ang dating closeness nila ni Mariel pero base sa mga kilos at sagot niya ay mukhang masakit pa rin sa kanya ang nangyari.
“Siyempre, hindi ko naman sasabihin na tapos na ang lahat kung hindi ako nasaktan ’di ba? Ganito na lang siguro.
“Actually, laking pasasalamat ko nga na dahil sa isang proyektong hindi natuloy, may mga nadiskubre akong mga bagay-bagay na nakapagpa-realize sa akin kung sino ’yung mga totoong tao sa buhay ko and ginamit siguro ni Lord din na way ’yun para ma-realize ko kung sino ang dapat kong pagkatiwalaan. So, ayun na lang siguro, bahala na kayo.”
Nilinaw din ni Toni na wala siyang issue sa trabaho at hindi lang daw galing sa isang tao ’yung mga bagay na nalaman niya kungdi may iba pang taong involved.
“Basta tama ‘yung mag-ingat ako sa mga taong hindi ko kilala pero siguro sa panahon ngayon, mas mag-ingat ka daw sa mga taong kilala mo.”
Pero kung magso-sorry ba si Mariel ay tatanggapin niya?
“Sana, dumating ’yung point na ’yun. Ako naman, madaling kausap. Pero hindi ko na hinihintay ’yun.”
Basta ani Toni, ayaw na raw niyang pag-usapan pa ang nangyari.
“Basta ’yung tungkol du’n sa issue na ’yun, ayoko na. Paso na ako.”