Maricel Soriano endorses Mar Roxas

    421
    0
    SHARE
    Dahil napag-usapan na rin ang mga magagandang mangyayari sa taong 2016, tinanong si Maricel, na isa sa mga malalaking bituin na sumuporta sa matagumpay na KeriBeks gay congress ni Korina Sanchez-Roxas noong nakaraang Agosto, kung sinong presidential candidate ang kanyang susuportahan sa nalalapit na national elections.

    “Of course si Mar,” diretsahang sagot ng orihinal na Taray Queen.

    “Bakit si Mar? Eh gusto ko, eh! Bakit mas marunong pa kayo sa akin? Hahahaha. Pero seriously, naniniwala ako sa kanya at sa kanyang kakayahan.”

    Ayon kay Marya, nagkaroon siya ng oportunidad na makilala si Mar nang personal at makausap ito sa ilang mga okasyon.

    “Hindi siya magnanakaw at hindi siya maramot. Naunawaan ni Mar ang sitwasyon ng iba’t ibang mga tao. Siguradong magkakaroon ng maraming disente at maayos na trabaho ang mga tao. Ang mga call center na lang. Madami ang nagkatrabaho dahil dito at alam nating malaki ang role ni Mar kung bakit maunlad ang mga call center sa atin.”

    Impressed din ang premyadong aktres sa credentials ni Mar.

    “Cartwheel at tumbling ako sa dami ng mga nagawa ni Mar. Ako nga, madami ang humahamak sa akin dahil hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral pero sa kabila ng aking kahirapan, ay nabuhay ko ang mga kapatid at mga anak ko. Eh, achievement ko lang ’yan ha, eh, paano pa ’yung mga nagawa ni Mar? Nakakaloka talaga siya,” pahayag ni Maria.

    Samantala, pinarangalan ang Diamond Star na si Maricel Soriano sa katatapos lamang na 63rd FAMAS Awards bilang isa sa mga anim na Iconic Movie Queens Of Philippine Cinema kung saan kasama niya sa espesyal na citation na ito sina Gloria Romero, Susan Roces, Dawn Zulueta, Sarah Geronimo at Nora Aunor.

    Habang nasa ceremony, hindi mapigilan ng award-winning actress ang kagalakan para sa rekognisyon na iginawad sa kanya.

    “Wala akong maisip na salita upang ipakita at ipadama sa iba ang kaligahayan na nararamdaman ko,” sabi ni Maricel.

    “I feel so blessed and humbled to be given the honor to stand beside such great actresses. Sobra akong inspired dahil sa award na ito na magpatuloy gumawa ng mga pelikula sa darating na mga taon.”

    Nabanggit din ni Maricel na ipagdiriwang niya ang kanyang ika-45th na anibersaryo sa industriya sa 2016.

    “Akalain ninyo na tatagal ako ng ganito? Talagang malaking blessing ito galing kay Papa God. Madami pa akong exciting na mga plan sa mga darating na taon, lalo na sa 2016. Hinding hindi ako titigil dahil mahal na mahal ko ang ginagawa ko.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here