Since mainit ang panahon at mai-stress si Marian sa malalayong location ng “Juan for All, All for Juan” na segment ng “Eat Bulaga” kung saan niya kasama sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros, pahinga muna siya sa nasabing portion.
Tutuparin at haharapin din ni Marian ang iba pa niyang mga commitments habang kaya pa niya at hindi pa gaanong obvious ang kanyang tummy.
Masayang-masaya ang mag-asawang Marian at Dingdong na magkakaroon na sila ng baby at tiyak na kumpleto ang kanilang celebration ng Christmas dahil meron na silang bagong karagdagan sa kanilang pamilya.
Ang Christmas 2015 ay ang magiging unang Pasko bilang mag-asawa nina Marian at Dingdong at ang maganda pa, magsi-celebrate sila ng Christmas kasama ang kanilang magiging panganay na anak.