BUMALIK SA Bantayan Island, Cebu si Marian Rivera kahapon ng umaga para sa turnover ng mga bangka sa pinangungunahan niyang Kapuso Adopt-a-Bangka project.
Kahit puyat galing sa taping ng Carmela, bumiyahe ang aktres na isa lang from her management company ang kasama. Tsika sa amin, tuwang-tuwa ang mga naunang tumanggap ng 100 bangka in white, yellow and green colors at may GMA sa gilid.
Katulong ni Marian sa pag-turn-over ng mga bangka ang mga taga-GMA RTV AVP for Integrated marketing services Oliver Amoroso at GMA Cebu station manager Ann Marie Tan. Nagpapasalamat si Marian sa mga nag-donate para maisakatuparan ang proyekto.
Inuna lang daw niya ang Bantayan Island at tuloy ang pagtulong niya sa mga survivor ng Yolanda. Samantala, isa si Marian sa matutulungan ng Cybercrime Prevention Act dahil isa siya sa mga grabeng siraan sa social media.
Kamakailan lang, pinatay siya sa Facebook, inilagay pa ang mukha sa kabaong at kung anu-ano pang panlalait ang ginagawa sa kanya. Wala itong magawa, pero ngayon, batas ang hahabol sa bashers/haters.
Anyway, tuloy ang promo tour nina Marian at Alden Richards ng Carmela at pagkatapos sa Bicol last week, Baguio ang next nilang bibisitahin.