Marian Rivera naka-move on na

    478
    0
    SHARE

    Naka-move on na raw talaga si Marian Rivera. Pero hindi pa raw sila nagkakausap muli ng kanyang dating manager na si Popoy Caritativo mula nang maghiwalay sila. Sa ngayon ay wala pa namang kumpirmasyon kung lilipat nga siya ng network, or saan siya lilipat, although talagang malakas ang bulung-bulungan na baka magiging Kapamilya siya.

    Samantala, nagsalubong at nagngitian sila ni Karylle sa tribute show for German “Kuya Germs” Moreno’s 50th anniversary sa Resorts World kamakailan.

    Alam ng lahat na si Karylle ay dating girlfriend ng kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes.

    In fact, hindi nga raw nasarhang mabuti ang relasyon noon nina Dingdong at Karylle.

    Pero pareho nang naka-move on ang dalawa. May boyfriend na rin si Karylle, ang band member na si Yael Yuzon.

    Ayon nga kay Marian, wala namang dahilan para hindi siya ngumiti kay Karylle. Wala naman daw silang pinag-awayan. Nagkataon lang na ang kanyang present ay ex ni Karylle. Other than that, wala na. Kaya wala raw siyang dahilan para isnabin o magkaroon pa ng awkwardness kapag nakikita si Karylle.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here