Marian Rivera nagmaldita sa isang bata

    399
    0
    SHARE
    Pinagkukuwentuhan naman ang kamalditahan umano ni Marian Rivera sa isang bata noong makita siya sa isang mall.

    Rich kid ang batang ito at humingi ng paper sa ina niya para magpapirma. Favorite niya si Marian dahil napapanood niya sa Darna. Instead na mag-autograph siya umano sa bata ay tinapik niya ito nang patulak. Natulala ang bata at naiyak na lang nang makita niya sa labas na pinagkakaguluhan si Marian at pumirma ng autograph. Ang iniiiyak ng bata, ay ‘yung bakit hindi nag-autograph si Marian sa kanya samantalang sa ibang tao ay ginawa naman niya?

    Nasaktan ang ina ng bata nang makita niyang umiiyak ang anak niya. Susugurin sana niya si Marian at tatalakan pero hindi na siya makasingit dahil napaligiran na ng tao si Marian at pinagkakaguluhan.

    Nakarating na sa movie press ang isyung ito pero pinipilit nilang magkaroon ngayon ng damage control at news blackout. Mabuti na lang, may mga nagmamalasakit sa carerer ni Marian at pilit na pinagtatakpan ang kamalditahan niya kaya kinausap na lang ang ina ng bata na huwag nang magpa-interbyu.

    Pero sana tigil-tigilan na ni Marian ang ganyang asal niya dahil kung ano-anong version na ang naglalabasan.

    Naiintindihan namin na napapagod din si Marian at baka wala siya sa mood that time pero huwag naman sanang pati bata ay maging biktima at mapaiyak niya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here