Marian Rivera naglalaba ng sariling undergarments

    436
    0
    SHARE

    KAHAPON ay nagkaroon ng contract signing si Marian Rivera para sa bago niyang endorsement na Sof & Mmmm Fabric Softener ng Personal Collection.

    Sa kanyang opening speech ay sinabi ng aktres na natutuwa naman siya’t bumabalik na ang magagandang pangyayaring ito sa buhay niya.

    May panahon din kasing nag-lie-low si Marian sa mga endorsement at aniya, nang makatsikahan namin after the contract signing, siguro ay may mga dumarating na ganitong pagkakataon sa buhay ng isang artista.

    “Siguro, ganu’n talaga ang buhay, may mga pagkakataon na marami ka talagang endorsements, may mga pagkakataon na may iba naman silang gusto. So, ang maganda riyan is nagsa-cycle, bumabalik.

    “So, nakakatuwa, nakakataba ng puso bilang March na ito ay marami akong gagawin talaga,” she said. Ang maganda pa rito sa pagkakapili sa kanya ng PC, nag-survey ang management sa mga dealer nila all over the country at talaga raw iisa ang ibinoto ng lahat — si Marian nga.

    “Salamat talaga and nakakataba ng puso na ako ’yung napili nila,” say pa ni Marian. Dahil fabric softener ang kanyang ini-endorse, natanong tuloy si Marian kung naglalaba ba siya. Say niya, lahat naman siguro ng babae ay dapat lang na marunong maglaba.

    “Hindi ko naman sinasabi na lahat ng damit ko ay ako ang naglalaba. Pero most of the undergarments, naniniwala ako na bilang babae, marunong kang maglaba.” Ipinaglalaba rin ba niya ang boyfriend na si Dingdong Dantes? “Hindi pa sa ngayon,” natatawa niyang sabi.

    Klinaro rin ng entertainment press kay Marian ang tungkol sa pagsasabi ni Gov. Vilma Santos na siya ang ninang sa kasal nila ni Dong. “Kalog lang talaga si Ate Vi at nakakatuwa ang bonding naming dalawa. Sabi lang niya, ‘gusto ko, kapag nag-asawa ka, kailangan, ninang ako.’ So, parang kinontrata na niya ako. Sabi ko, okay,” say ni Marian.

    Asked kung may idea na ba si Gov. Vi sa date ng kasal, say ni Marian, “’Wag siyang mag-alala, sasabihan ko siya ahead of time, just in case.” So, hindi pa ba niya nakikita ang sarili niya na ikakasal siya this year?

    “Not so far but not so near,” ang nakakaintrigang pahayag ni Marian.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here