Puwede na kayang sabihing yung nawala kay Rhian Ramos ay pinakinabangan ni Marian Rivera? As of this writing, Marian has already agreed to replace Rhian in My Beloved na dating ang titulo ay Sundo kahit na second choice lang siya.
GMA 7 management deemed it necessary na si Marian ang ipalit sa naeskdandalong si Rhian Ramos dahil sa di umano’y pagpalalusaw niya sa ipinagbuntis na anak ni Mo Twister.
Natakot ang GMA na ma-nega nang todo ang kanilang paboritong starlet at inisip nila na perfect choice si Marian.
But it was not easy. Ayaw ni Marian pero dahil triple ang talent fee niya, pumayag siya, kahit nangangahulugang di na niya ie-enjoy ang bakasyon sanang hinihintay niya. Napagod daw nang husto sa Amaya si Marian that she really needed and look for a grand vacation.
So si Marian Rivera na ang makakapareha ni Dingdong Dantes sa My Beloved. Nag-shoot na ng cinema plug ang aktres noong Friday para maihabol sa showing ng movies sa 2011 Metro Manila Film Festival.
Reunion nila ni Dingdong ang My Beloved at nila ni Katrina Halili na nakasama niya sa Marimar at ni Direk Dominic Zapata na director niya sa Darna. Wala pang schedule ng taping si Marian dahil may Amaya pa siya at promo ng Panday 2.
Speaking of Panday 2, gaya ni Sen. Bong Revilla, confident din si Marian na panonoorin ang movie nila dahil maganda, ginastusan at matagal pinaghandaan. Plus point din ang 90 percent special effects na magugustuhan ng tao.
“Unang-una natuwa ang fans ng love team namin kasi noon pa nila nire-request na pagsamahin kami uli ni Dong sa isang show,” sabi niya. “Kasi ang tagal na rin since we last worked together in ‘Endless Love’.
This will be our fifth show together after ‘Marimar’, ‘Dyesebel’ and ‘Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang’. Pero ibang klaseng romantic soap itong ‘My Beloved’ kasi naiiba ang role ni Dong as a messenger of death na siyang sumusundo sa mga taong malapit ng sumakabilang-buhay. Magkakaroon ng conflict nang ma-in love siya sa akin.”
Did you know na in exchange of an expensive Ducati motorbike, she also just got her Christmas present from him, an equally expensive set of Fendi jewelry consisting of a ring, bracelet and a pair of earrings. She was wearing them at the last presscon of “Ang Panday 2.”
“O, ang ganda, ‘di ba?” pagmamalaki pa niya. “Sinuot ko para makita n‘yo. When I opened the gift and saw them, wala akong nasabi. Nagtitili lang ako sa sobrang katuwaan.
I really love it at happy ako sa naging regalo niya sa akin. This is my merriest Christmas ever not only because I love his gift kundi meron pa kong magandang entry sa filmfest, ‘Panday 2’, na maipagmamalaki ko talaga, tapos patuloy na winner sa ratings ang ‘Amaya’ and now, magsasama pa uli kami ni Dong sa ‘My Beloved’.
Ang feeling ko, sobrang blessed ko na talaga kaya thank you, Lord.”
So there!