Marian Rivera di insecure sa baguhang si Carla Abellana

    499
    0
    SHARE
    “Kailangan ba may ganun? I believe hindi kailangang magkaroon ng feelings ng insecurity ang sinuman as there’s room for everyone. Ipakita mo lang na you have talent para mahalin ka ng publiko. I wish Carla and Geoff Eigenmann all the best, ang malumanay na sagot ni Marian Rivera nang intrigahin na kesyo insecure nga raw ito sa magandang newcomer.

    Pareho kasi ang paraan ng paglulunsad kina Marian at Carla. Both started via a Thalia soap opera. Si Marian nga sa Marimar, at ngayon si Carla, sa Rosalinda.

    Although nakagawa muna ng mga supporting roles si Marian bago nag-Marimar, si Carla naman ay may pinag-ugatan sa showbiz, bilang anak nga nina Rey Abellana at Rhea Reyes. Carla’s parents met and fall in love while doing GMA 7 teleserye, ang Anna Liza noon.

    Sumikat nga nang husto si Marian and even became number one sa GMA 7, at inaasahang mas lalo pang lalaki ang pangalan nito now that she is slated to do Darna.

    Ganito rin kaya’ng maging kapalaran ni Carla Abellana? Will Rosalinda do wonders sa career na tatahakin nito ngayon?

    Will Carla eventually become a superstar o lampasan kaya niya’ng stature ni Marian Rivera?
    Walang bad blood sa dalawa. Kahit may effort pa’ng ilang paid hacks ng GMA 7 na intrigahin for the purpose of publicity ang dalawang magandang babae. Masaya si Marian para kay Carla at welcome daw ito sa kanya bilang bagong Kapuso star.

    “We already met each other in a previous GMA event,” lahad pa ni Marian. “I welcome Carla as a Kapuso and I’m happy kasi nadagdagan na naman ang leading ladies ng GMA. I wish her good luck sa project niyang ‘Rosalinda’ and I’m sure na dahil magandang mag-alaga ang GMA, maganda rin ang magiging result noon just like ‘Marimar’.”

    Marian and Carla got to work together last Friday night when they  participated in the GMA7 59th anniversary show at Araneta Coliseum, “One Glamorous Night,”  which will be shown this coming Sunday after “Fullhaus” at SNBO.

    And how does Carla feel about being with Marian? “Sa totoo lang, na-star struck ako the first time we met kasi nanonood ako ng shows niya. And now, we got the chance to work together dito sa GMA anniversary special and I saw for myself kung gaano kainit ang tilian ng audience sa kanya. They really love her and Dingdong and it’s an honor to meet her and work with her here. Mabait siya, napakaganda, and I’m just happy to be given the chance to follow in her footsteps.”

    What can they say about the observation of some folks that they look alike? “Oo nga,” says Marian. “Pag magkaharap kami, para kaming nananalamin sa isa’t isa. It means pareho kaming beauty, di ba?”

    “Wala pa ko sa showbiz, noon pa maraming nagsasabi sa’kin niyan and I’m really flattered kasi, let’s face it, she’s Marian Rivera, di ba?” says Carla. “I think it’s a big plus factor for me kapag sinasabing magkahawig kami. It’s an honor.”



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here