Marian Rivera deadma sa pang-ookray sa kanyang carabao English

    384
    0
    SHARE
    Obviously, di naman edukada si Marian Rivera kaya marami siyang mali-maling English. Kailan lang, sumabit si Marian kaya panay ang batikos sa kanya.

    Sa halip na maapektuhan at magmukmok ay tinawanan lang ni Marian Rivera ang panlalait sa kanya dahil lang sa isang salita na nagkamali niyang gamitin. Sa halip kasing sabihin niyang: “Isa akong psychologist,” ay “psychology” ang nasambit niya.

    Aniya:“Dedma na lang. Tatawanan ko na lang sila.  Kung  masaya sila sa paglalaro sa akin, okey lang. Hindi naman ako ang magdadala noon, sila. Saka tao lang naman, ano ba?  Hindi naman ako perfect! Ang suwerte ko naman kung lahat nasa akin na. Ganoon talaga ang buhay, dapat may pambalanse. Hindi naman palaging okey.  Saka, dapat ang attention ko ngayon ay sa magagandang bagay na lang tulad sa pagiging  box- office ng movie namin ni Dong (Dingdong Dantes). Dedma na lang talaga ako kahit ulit-ulitin nila ‘yong pagkakamali ko.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here