Marian Rivera, Coco Martin new loveteam sa Regal Films

    227
    0
    SHARE

    Totoo nga ang kuwentong si Coco Martin talaga ang actor na to die for. Sino ang makapagsasabi noon na pati na si Marian Rivera ay mahuhulog sa charms ni Coco?

    Yes, abangan natin kung paano ili-link ang dalawang importanteng personalities na ito matapos silang kapuwa pumirma sa isang  movie para sa Regal Films.  This  movie could make history dahil maraming firsts dito.

    Pormal na ngan pumirma ng movie contract ang Kapamilya actor na si Coco Martin para sa Regal Entertainment.
    Ang pelikulang ito ang pagsasamahan nila ng Primetime Queen ng GMA-7 na si Marian Rivera.

    Naganap ang pagpirma ni Coco sa EDSA Shangri-La Hotel.

    Hindi nga maipaliwanag ang kasiyahan sa mukha ni Coco habang pumipirma ng kontrata.

    Present sa contract signing ang manager ng aktor na si Biboy Arboleda pati na ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde ng Regal.

    Dumating din sa contract signing si Marian na isang exclusive Regal baby bilang suporta sa bagong makakapareha. Kasama niya ang kanyang manager na si Popoy Caritativo.

    Nagkahiyaan man nung pormal na ipakilala sa isa’t isa, kalaunan ay naging magaan na ang loob nila sa isa’t isa.

    Nagpahayag ng kasiyahan at excitement ang Kapuso actress sa pakikipagpareha sa multi-awarded actor.

    Pero teka hindi kaya atakihin ng matinding selos si Dingdong Dantes kapag nagsimula nang ikampanya’ng pagli-link sa dalawa?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here