Marian Rivera aagawin ni Rafael Rossel kay Dingdong Dantes?

    555
    0
    SHARE

    May mga fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na nagalit kay Rafael Rosell nang i-post nito sa Instagram account ang autographed FHM magazine na bigay sa kanya ni Marian.

    Wala naman daw siyang ibig sabihin sa pagpo-post, feeling lucky lang siya na binigyan siya ng aktres ng copy ng men’s magazine.

    “In-express ko lang na flattered ako, akala ng ibang fans may intention ako kay Marian. Hindi ako lumipat ng GMA-7 para mang-away.

    "Na-misinterpret ’yon. May nagalit. Siguro, Dong-Yan fans. Eh, ang ibig ko lang namang sabihin, suwerte ako dahil pinirmahan niya (Marian) ang magazine,” chika ni Rafael nang makausap ng press sa taping.

    Ano ang sabi ng mga fan?

    “Sabi nila, ‘Akala mo, ang suwerte-suwerte mo, huh! Ha! Ha! Ha!” tugon niya.

    Ano ang naging buwelta niya?

    “Sabi ko, nasa paningin lang naman ng tao ’yan. Parang sinulat ko, ‘Hugs! Mwah! I wish you the best!’ You can’t fight fire with fire!” pahayag pa ng aktor.

    Sa pagkukumpara sa kanila ni Dennis at paniwala ng iba na may eksenang nasasapawan niya ang aktor, sabi ni Rafael, hindi nila concern ni Dennis ang nasabing isyu, basta ginagawa lang nila ang dapat.

    “Wala kaming bilangan ng eksena sa Temptation Of Wife, lahat kami part ng cast, at hindi ko tine-take ang credit. It’s a team effort,” sabi ni Rafael.

    Ayon kay Rafael, hindi na kailangang patulan ’yung ganoon.

    “I mean, sa buhay natin, gusto nating mag-advance, ’di ba? Materyal na bagay. Advancement sa finance.

    Advancement sa material na bagay. Bahay, kotse.

    “Pero naiisip ba natin ang advancement sa sarili nating mind. Evolvement, ’di ba? Hindi ba tayo mag-i-evolve sa utak natin? So ’pag nag-evolve na tayo, hindi na tayo mag-aaway! ’Yun lang naman, eh,” paliwanag ni Rafael.

    Sang-ayon sa aktor, feeling niya ay suwerte siya ngayon kaya doon niya nai-express ang kaligayahang nadarama para sa sarili. Pero wala naman daw problema sa kanila ni Dingdong Dantes na minsan na niyang nakausap at nakikita sa Party Pilipinas.

    “Hindi naman ako lumipat dito para makipag-away, eh!” katwiran ng aktor.

    Eh, hindi naman ba nai-insecure sa kanya si Dennis Trillo dahil mas lamang na ang exposure niya na kasama si Marian?

    “I don’t think so! Secured naman si Dennis, eh. Dennis is Dennis Trillo. Si Dennis Trillo ’yan!” deklara ni Rafael.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here