Marian River umaasa ng acting award sa ibang bansa

    4075
    0
    SHARE

    NAGPAPAGALING pa si Marian Rivera dahil natrangkaso nang manggaling sa Cebu nang sumama sa relief operation ng GMA Kapuso Foundation. Pagod, puyat ang rason nang pagkakasakit ng aktres na naging busy sa mga nakaraang araw sa rami nang pinuntahan at mga event niya.

    Pero kaya nang magbiyahe ni Marian sa December 5 papuntang Singapore para dumalo sa Asian TV Awards kung saan nominated siya sa Best Actress in a Leading Role para sa Temptation of Wife.

    Manalo at matalo gustong um-attend ni Marian dahil fi rst nomination niya ito sa ibang bansa, pero mas maganda at mas matutuwa ito kung sa pagbalik niya sa Dec. 6, may dala siyang trophy.

    Hindi namin alam kung sasamahan si Marian ni Dingdong Dantes o ang manager na si Rams David ang sasama sa kanya.

    Samantala, this December na naka-schedule ang taping ni Marian sa new soap niya sa GMA-7 na ang final title ay Carmela (Ang Pinakamagandang Babae sa Buong Mundo) sa direction ni Dominic Zapata.
     
    Sa January 2014 ang airing nito.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here