Hindi pa rin makakapagpahinga si Marian Rivera kahit tapos na ang taping ng Darna dahil aalis sila ni Dingdong Dantes bukas para mag-guest sa February 4 & 5 show nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid sa Quatar at Dubai. Tapos, tuluy-tuloy pa rin ang taping niya ng Show Me Da Manny at sa April, sisimulan na nila ni Dingdong ang Autumn In My Heart.
Hanggang February 19 na lang ang Darna, pero marami pang aabangan. Babalik pa sina Gabriel (Alfred Vargas) at Roma (Nadine Samonte) at magsasanib-puwersa pa ang mga nakalaban niya at magiging isang tao na lang para mapatay si Darna.
Natsismis palang kasal na sina Marian at Dingdong at itinanggi ito ng dalaga. Sabi nito: “Iyon ang pinaka-mahalaga sa akin and if ever ikakasal ako, sa simbahan at hindi ko ililihim dahil magiging proud ako. Basbas ’yun ng Diyos at ng magulang at pinapahala-gahan, pero hindi pa namin naiisip. Gusto ko church wedding at simple lang, iba pa rin ang kasal sa simba-han.”