Marian, Bela kissed and made up

    380
    0
    SHARE

    IKINATUWA ng fans nina Marian Rivera at Bela Padilla ang pagbabati ng dalawa at ang dance show na Marian ang naging daan.

    Nag-guest si Bela sa show ni Marian at last Friday ang taping for July 26 airing. During or after the taping, nag-post ng picture si Bela sa Instagram (IG) ng picture nina ni Marian at may caption na “Thank you for having me on your show. I had a great time.”

    Sumagot si Marian ng “Salamat din sa pag-guest sa uulitin, Yumi,” na sinagot uli ni Bela ng “Thank you, Jenny.”

    Ang Jenny at Yumi ay names ng karakter nina Marian at Bela sa pinagsamahan nilang teleserye ng GMA-7 na Endless Love at kung saan nagkaroon sila ng isyu. Ngayong bati na ang dalawa, puwede na uli silang pagsamahin sa teleserye.

    Ang sabi, guest din sa Marian si Sam Pinto, na may isyu rin kay Marian, pero si Sarah Lahbati ang nakita naming isa pang guest ni Marian.

    Kumare ni Sarah sina Marian at Bela kay Zion, kaya natuwa na bati na ang mga kumare niya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here