MARIA OZAWA
    Japanese porn star bago ni Robin Padilla

    577
    0
    SHARE
    Japanese porn star man ang taguri kay Maria Ozawa, mas lamang ang bansag sa kanyang AV (adult video) actress.

    Kung noong nagsisimula pa lang siya sa career ay Miyabi ang screen name niya, ngayon ay mas kilala si Maria sa pangalang AV Idol.

    Umingay ang pangalan ni Maria nang mag-guest siya last April sa anniversary ng Boy’s Night Out. Muling naging interesado ang mga lalaki sa kanya nang siya ang cover ng FHM ng June.

    Napukaw naman ng pansin ng movie producer na Haunted Tower Pictures ang alindog ni Maria. Eh, meron pala siyang agent sa bansa kaya naging madali ang pagkuha sa actress. Siya ang napisil na maging leading lady ni Robin Padilla sa festival entry na Nilalang.

    Babalik next week si Maria upang pormal na pumirma ng kontrata sa Haunted Tower Pictures. Susundan ’yon ng autograph signing niya ng FHM. Then isang dinner date sa kanyang followers ang handog sa kanya.

    Isang Japanese ang mother ni Maria habang ang father niya ay French-Canadian. Marunong siyang magsulat at magsalita ng Ingles kaya hindi problema ang magiging dayalog niya sa movie.

    Sa adult videos ni Maria na sinilip namin, isa siyang walang takot na babae. Nabasa namin sa Wikipedia na sexually active na siya sa edad na 13 at 48 sexual positions ang alam niya base sa isang librong binili.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here