Home Headlines Marcos Jr. namahagi ng certificates of condonation sa mga magsasaka

Marcos Jr. namahagi ng certificates of condonation sa mga magsasaka

321
0
SHARE
Si Pangulong Marcos Jr. nang mamahagi ng certificates of condonation sa Tarlac. Kuha ni Rommel Ramos

PANIQUI, Tarlac — Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang pamamahagi ng certificates of condonation with release of mortgage sa 3,500 mga benepisyaryo ng Agrarian Emancipation Act sa lalawigan.

Ginanap ang pamamahagi sa Eduardo Cojuangco Gymnasium sa bayang ito nitong Sept. 30 na dinaluhan din nina Agrarian Reform Sec. Conrado Estrella, Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos at mga lokal na opisyal sa Tarlac.

Ang mga nabiyayaan ay ang mga magsasaka mula sa mga bayan ng San Miguel, Sta Ignacio, Pura, Ramos, Paniqui, San Manuel, Victoria, Camiling, Gerona, Mayantoc, San Clemente, Sta. Ignacia, San Jose, Bamban, Capas, Concepcion, Moncada, at Tarlac City,

Sa talumpati ng pangulo, sinabi nito na sa kabila ng bagyong Julian ay masaya siya na kasama niya ang mga magsasaka na benepisyaryo ng agrian reform.

Nagpapasalamat daw siya sa mga benepisyaryo at ngayong araw sa bisa ng Agrarian Emancipation Act ay burado na ang pagkakautang ng mga magsasaka sa lupa at maging ang interes at surcharge ay burado na rin.

Batid aniya ng pamahalaan ang halaga nito para mabawasan ang gastusin at makatulong pa sa mga agriaran reform beneficiaries.

Hiling ni Marcos Jr. sa mga magsasaka na kaabikat ng nasabing biyaya ay ang responsibilidad na pagyamanin ang pagsasaka sa bansa at ang pamahalaan ay nakikinig sa pangangailangan ng mga magsasaka.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here