GUIGUINTO, Bulacan—Isang marathon broadcast na tatagal ng limang oras ang isasagawa ng ng 89.5FM Radyo Bulacan sa Martes, Nobyembre 23 na inaasahang dadaluhan ng mga mamamahayag, mga mamamayan at mga opisyal sa lalawigan.
Ito ay kaugnay ng paggunita sa unang taong anibersaryo ng Maguindanao Massacre kung saan ay 57 katao kabilang ang 32 mamamahayag ang pinaslang noong Nobyembre 23, 2009 sa Sitio Masalay, barangay Salman, bayan ng Ampatuan, sa lalawigan ng Maguindanao.
Bukod sa gawaing ito, ang iba pang samahan ng mga mamamahayag sa bansa ay magsasagawa rin ang kaugnay na gawain bilang paggunita sa Maguindanao Massacre at pagpapanatiling buhay ng panawagan para sa katarungan at tuluyang pagtigil ng culture of impunity sa bansa.
Ayon sa isang pahinang paanyaya na ipinalabas ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) Bulacan chapter, ang marathon broadcast ay isasagawa sa himpilan ng 89.5 FM Radyo Bulacan simula alas-7 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa Martes, Nobyembre 23.
Ang himpilan ng 89.5 FM Radyo Bulacan ay matatagpuan sa kahabaan ng Cagayan Valley Road, sa barangay Sta. Rita sa bayang ito.
Ang himpilan ay nasa ikalawang palapag ng gusali ng Farmacia Masagana, sa kanto ng Ligas.
Ang nasabing marathonbroadcast ay pamamagitanan ni Rommel Ramos, ang vice-chairman ng NUJP-Bulacan at tagapamahala sa Radyo Bulacan.
Ayon sa NUJP-Bulacan, layunin ng marathon broadcast na maipabatid sa higit na maraming Bulakenyo ang kalagayan ng mamamahayag at pamamahayag sa lalawigan at sa ibang panig ng bansa.
Katulad ng mga naunang pahayag ng November 23 Movement, Philippine Press Institute (PPI), Freedom Fund For Filipino Journalists (FFFJ) at Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR), binigyan diin din ng NUJP-Bulacan na anumang pagbabanta sa buhay ng mamamahayag ay katumbas ng banta sa demokrasya.
Ito ay dahil sa ang mga mamamahayag at mga pahayagan ang simbolo ng demokrasya, ang sistema ng pamahalaan at pamayanan na naghahari sa bansa.
Kaugnay nito, naghanda ang NUJP-Pampanga para sa isang rally na isasagawa sa harap ng Kampo Olivas sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga ngayon (Nob. 23) samantalang ang Nueva Ecija Press Club Inc., (NEPCI) magsasagawa ng pagtitipon simula alas-6 ng umaga sa Martes sa bantayog ng mga di kilalang bayani sa Ninoy Aquino Freedom Park sa Lungsod ng Cabanatuan sa Nueva Ecija.
“Ang Nueva Ecija Press Club, Inc. (NEPCI) ay kaisa ng mamamahayag sa lahat ng sulok ng kapuluan sa patuloy na pagluluksa dahil sa malagim na pamamaslang na ito.
Kaalinsabay ng panalangin at paggunita sa mga mamamahayag na biktima ng karahasan ay ating sasalubungin ang pagsikat ng araw sa liwasang bayan,” ani Armand Galang ng NEPCI na isa rin correspondent ng Philippine Daily Inquirer sa Nueva Ecija.
Sa Maynila, pangungunahan ng CMFR at ng South East Asian Press Alliance (SEAPA) ang Journalism Asia Forum 2010 sa Manila Hotel na dadaluhan ng mga mga mamamahayag sa bansa at mula sa karatig bansa sa Asya.
Sa hapon naman ay magsasagawa ng rally ang NUJP mula sa Morayta hanggang Malakanyang.