Marapat lang na makasuhan

    579
    0
    SHARE

    MATAPOS ang apat na buwang pagkalap
    namin ng basehan ng isa kong anak
    upang ang doctor na nagsagawa agad
    ng pag-dialysis sa mahal kong kabiyak

    Nang di muna nito kinausap ako
    at basta na lamang nag-apura ito
    sa pagsagawa ng naturang proseso,
    na nagbunga ng di magandang senaryo

    At ikinamatay ng mahal kong kabiyak,
    ya’y isang bagay na di mapapalampas
    ng aking sarili at siyam na anak,
    na di namin gawin ang karapatdapat

    Para mapanagot si Ismael Ramos
    sa ‘untimely death’ ng Ina nilang irog
    at esposang sa’kin nagmahal ng lubos
    mula’t sapol kami’y sa altar dumulog

    Hanggang sa ang buhay naming mag-asawa
    sa iisang bubong na puspos ng saya
    ay sakluting bigla ng pait at dusa
    sa pagkamatay ng mahal nilang Ina.

    Kaya gaano man sila kababait,
    yan ngayo’y may alab ng poot sa dibdib,
    laban sa (aywan) kung yan nga’y Nephrologists
    o ‘killer doctor’ na lubhang mapanganib?

    Kung saan base sa aming natuklasan
    na di karaniwan sa katulad niyang
    propesyonal at kilala sa lipunan,
    ang kay Ramos ay may malaking kaibhan.

    Saan dito sa’tin sa Pampanga mismo
    tayo makahanap ng katulad nito,
    na sangkatutak ang kaso sa husgado
    at malaking pera ang ‘involved’ umano?

    Sa anila’y kanyang kinasasangkutan,
    na isang uri ng ‘multi-million’ yatang
    ‘scam’ na siya mismo ang founder n’yan bilang
    ayon sa ‘sources’ na mapapanaligan.

    At d’yan alalaon baga pumapasok
    ang ating hinala na si Dr. Ramos
    ay may niloko siya sa style niyang bulok,
    kaya inihabla ng mga investors.

    At para madaling kumita ng pera,
    na maipambayad sa mga naghabla,
    ang propesyon nito ang ginamit niya
    upang makalikom kaagad ng kuwarta?

    At kaagad-agad ‘instant dialysis’
    ang ‘sinasagawa sa ilang maysakit
    para kumita ang kanyang ‘dialysis
    center,’ malapit sa ‘crossing’ ng Apalit?

    At kung saan tama’t sa ilang ospital
    dito sa Pampanga ginagawa nga n’yan
    ang pag-dialysis, pero kasunod niyan
    ay sa Apalit na pinapupunta ‘yan!

    Sa puntong naturan ay ano pa kaya
    kundi ng ‘personal interest’ na nga
    ni Ramos ang higit mahalaga yata,
    di baleng manganib ang buhay ng kapuwa?

    Kaya’t nagawa niya sa aking esposa
    ang pag-dialysis nang di muna nga niya
    kinausap man lang at/o pinapirma
    sa ‘waiver,’ ang dapat pumirma talaga?!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here