Maraming artista ang sumuporta sa feeding program ng Philippine Movie Press Club

    539
    0
    SHARE

    Sa tulong at suporta ng maraming mga kaibigang artista, maluwalhating nairaos ng Philippine Movie Press Club ang kanilang feeding program sa Hospicio de San Jose noong Agosto 15.
    Ayon sa pangulo ng PMPC na si Rommel Gonzales, isa lamang ang naturang feeding program sa ilan pang naka-line up na proyektong may kinalaman sa pagtulong sa mga kapusplad. “Mapalad ang mga gaya naming nagtratabaho sa showbiz dahil ramdam naming ang gaan ng buhay kung ikukumpara sa mga kapuspalad sa ating lipunan,”pangunang sabi pa ng PMPC president.
    “Kaya nga po nagpapasalamat kami sa mga artista at ilang kaibigang sumuporta sa amin at kasabay ko nito ang panawagang sana ay tumulong din ang ilang pang sektor outside showbiz sa mga gaya ng mga batang pinaligaya namin sa Hospicio De San Jose.
    Ayon pa rin sa PMPC prexy, ang ginawa nilang feeding program ay patunay na hindi lang ang glaomorosong showwbiz anggusto nilang galawan. Kahit madalang daw, ay gusto rin nga nilang makagawa ng mga makabuluhang mga proyektong makapupukaw sa damdamin ng publiko upang magising tayong lahat sa katotohanang maraming tao ang nangangailangan ng tulong sa labas ng showbiz.
    Kaugnay ng feeding program, siyam na pung mga bata ang kasali sa feeding program ng club. Pinakain nila ang mga ito at bukod dito, namahagi rin sila ng mga materyal na bagay na galing sa maraming mga artistang tumulong sa programa.
    Namigay sila ng mga pagkain, manyika at iba pang mga lauran, sa mga batang kasali sa feeding program. Pero higit sa mga material na bagay ay naibahagi nila’ng kanilang panahon at atensyong kailangang ng mga bata upang magkaroon ng katiwasayan at katiyakang may mga taong nagbibigay-halaga sa mga batang kapuspalad na gaya nila.
    Kaya nga sa kanyang statement, sinabi ng PR ng Hospicio na si Ms. Ann Visitacion na nagpapasalamat siya sa PMPC at mga kapanalig nito sa panahong bigay nila sa kanilang mga wards. Sinabi nitong umaasa sila sa tulong ng mga taong gaya ng nasa likod ng PMPC at ilang pang samahan upang patuloy nilang pangalagaan ang kapakanan ng mga batang alaga nila.
    “Dahil sa mga taong may mabuting kalooban, napapanatag kami na maibigay namin ang mga pangangailangan ng mga batang nasa kandili namin,” sabi pa nito.
    Ilan sa mga artistang tumulong ay sina Beth Tamayo, Shyr Valdez, Sylvia Sanchez, Jiro Manio, Mosang, Carlo Aquino, Sam Concepcion, Silverdale, at Jairus Aquino.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here