Marami pang iba

    388
    0
    SHARE

    MAHIGIT isang taon pa bago ganapin
    ang national election dito sa atin
    pero ngayon pa lang ay kapansin-pansin
    na ang batuhan ng iba’t-ibang dusing

    Ang kasalukuyan na nag-aambisyon
    at nagnanais na pumalit kay PNoy
    ‘comes year 2016’ o takdang panahon
    na dapat magdaos muli ng election.

    Kilala na natin halos kung sino riyan
    sa kampo ni PNoy at grupo ni Binay
    ang posibleng sa susunod na halalan
    ay mamanukin ng bawat partido r’yan.

    Aywan lang kung si DILG Mar Roxas
    Itong sa panig ng Liberal sasabak,
    Bunsod ng pagbaba ng popularidad
    Ni Mr. Palengke sa mata ng lahat.

    Sanhi nitong aywan kung maituturing
    na kapalpakan niya ang di nararating
    kaagad ng ating butihing Kalihim
    ng DILG ang marapat unahin

    Tulad halimbawa nitong kailan lamang
    ay nanalasa r’yan sa Kabisayaan
    ang bagyong Yolanda na tunay din namang
    bago ang biktima ay nasaklolohan

    Ng tanggapan nito, at nabigyang tulong,
    dilat na ang mata sa uhaw at gutom
    ng marami na ni walang maiinom
    na ‘potable water’ na dapat irasyon

    Kasi, bagama’t may sapat na pagkain
    para sa biktima, na padala mandin
    nitong ibang mga kapit-bansa natin,
    ya’y di naman sa kanila nakarating

    Kundi itinambak lang sa isang lugar
    hanggang sa nabulok ito nang tuluyan,
    sanhi ng di agad pag-asikaso riyan
    ng DILG o pamahalaang lokal.

    Maliban sa iba pang ipinipintas
    ng nakararami laban kay Mar Roxas,
    kaya ang Liberal ay talunan tiyak
    kung si Mr. Palengke ang isasabak.

    Sa kampo ng makiling sa oposisyon,
    bumaba ng kaunti ang trust ratings ngayon
    ng pambato nila sanhi ng maugong
    na kontrobersya sa Makati city hall

    Hinggil sa car park building na pinagawa
    ng dating Alkalde na si Jejomar nga;
    Kung saan ang isyu’t mainit na paksa,
    ‘overpriced’ umano ang pagkakagawa

    Kung kaya posibleng kumita ng husto
    si Mr. Binay sa naipagawa nito,
    na nasabing car park building (ayon mismo)
    kay dating Vice Mayor Ernesto Mercado

    Sa Senate hearing nang mag-testify siya
    bilang ‘whistle blower,’ (puera sa iba pa,)
    na pawang kay VP ay nagsalita na
    ng laban tungkol sa nakurakot daw niya

    Sa puntong ito ay posibleng dehado
    si Binay at Roxas laban sa ibang kampo
    na maglulunsad ng ibang kandidato
    o higit pa, kaya magsuri ng husto

    At piliing mabuti mula sa hanay
    ng magsusulputang maaring maglaban,
    ang inaakala nating may potential
    na kinakailangan nating suportahan

    Marami pa namang mga mararangal
    na ‘public servant’ ang puedeng pagpilian,
    kabilang na r’yan ang ‘world class’ na kabayan
    nating si Cong Oca at si Mayor EdPam!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here