Walang duda na malakas talaga’ng dating ng pelikula ng dalwa pero di pa tiyak kung malalampasan pa nito yung kinita sa takilya ng movie na A Very \Special Love nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz. Ito kasi ang top grosser last year at talagang mahihirapan ang sinoman na higitan ito.
As it is, nag-iwasan ng playdate sa takilya and When I Met You at ang You Changed My Life na pangalawang pagtatambal nina Sarah at John Lloyd.
Anyway, malakas nga talaga’ng dating ng movie nina KC at Richard at may mga humuhulang biggest blockbuster nga siya this year.
But of course, that is yet to be proven.
In connection with this movie, nakisali nga sa pangingilig si Gabby Concepcion by calling Richard ‘manugang’ in public. Na ipinakikita nga niyang boto siya sa anak nina Annabel at Eddie Gutierrez.
But like we say, posibleng sinasakyan nga lang nito ang isyu.
Sino naman kasing ama ang hayagang magsasabing boto siya sa manliligaw ng anak?
Wala naman, hindi po ba?