Nakatakdang maging Majestic Ham magnate ang 17-year old na si Manolo Pedrosa in less than 5 years. Hindi imposible ito dahil iipunin daw niya ang lahat ng kanyang kikitain sa showbiz para idagdag sa puhunan ng kanyang mommy.
“I didn’t know na kilalang-kilala pala ang negosyo ng pamilya sa showbiz,” aniya nang makausap natin kaugnay ng sunud-sunod niyang projects sa Kapamilya network, tulad ng “Oh! My G” teleserye, with Janella Salvador and Marlo Mortel, “Stars VS Me” indie movie kung saan leading lady niya si Mariz Racal (kapwa housemate niya sa PBB), a story on horoscopes written and directed by Joven Tan, at BNY products na first big endorsement niya ngayon.
Nabanggit kasi namin na the likes of Manay Ichu Maceda, Susan Roces at Dolor Guevara lang naman ang ilan sa mga suki ng sinasabi nilang pinaka-masarap na ham na natikman nila. Iyon nga lang, lagi daw silang nauubusan tuwing Pasko, Bagong Taon at mahalagang okasyon sa bahay nila.
“Hindi na ako mag-iisip pa ng ibang nenegosyuhin when I finish college,” patuloy ni Manolo sabay labas ng kanyang killer smile. “I am taking up Marketing Management in La Salle, although priority ko ngayon ang showbiz career ko.” Dati-rati, mom ni Manolo ang nag-a-audition para sa mga commercials.
Nakukuha naman siya,dahil, bukod sa maganda ay mukhang bata pa. “Isinasama ko siya (Manolo) at ipinapa-audition, pero, hindi siya nakukuha. Sobrang singkit daw kasi at hindi halos makita ang mga mata,” natatawang recall ng kanyang mommy.
“Pero, nang sumali siya sa PBB, ‘yung sobrang singkit niya ang unang napansin. Tuwang-tuwa sa kanya ang mga nasa likod ng PBB, kaya, nasa loob pa lang siya ay pinag-planuhan na ang mga projects na gagawin niya. Una yung “MMK” at leading lady niya si Janella agad-agad.”
Naging advantage din kay Manolo ang pagiging “may kaya” nila. Lagi daw kasing mahihirap ang nakukuha sa mga pa-contest ng PBB. For a change, gusto naman nila ang isang katulad ni Manolo, na punumpuno ng karisma, at may magnetic personality.
“I also didn’t know na marami na pala akong fans sa labas,” patuloy niya. “Paglabas ko ng PBB, ang daming sumisigaw ng pangalan ko. They are these new friends na nagtatag ng fans club ko. I don’t want to call them my fans, because I want them to be my friends.
“Dati hindi ako marunong sumayaw, kumanta o maging friendly. But I’m working hard na matuto para hindi nila ako binibiro na wala sa tono at sa tiyempo.”
Muling nagtago ang singkit niyang mga mata nang humahalakhak siya. “I’m making good money in showbiz, kaya, I also want to make them realize that I’m worthy of their trust and support. My Mom and are enjoying showbiz a lot, kaya gusto kong mag-enjoy din sa akin ang management at mga tao.”