Sa tuwing haharap sa entertainment press si NP presidential bet Manny Villar lagging mga intriga tungkol sa kanyang buhay ang nahahalungkat. Kailan lang, nakipag-usap nga ito sa ilang piling movie press at talagang binigyan niya ng linaw ang mga isyu sa kanya.
Isa-isang sinagot ni Senator Manny Villar ang mga isyu na hanggang ngayon ay talagang hindi siya tinatantanan.
Itinanong sa kanya kung ano ang masasabi niya na kahit si Baby James, anak ni Kris Aquino, ay pangalan mismo ni Villar ang binanggit sa isang rally ng kalabang si Sen. Noynoy Aquino?
“Lagi ko ngang sabi, ang mga bata ay nagsasabi ng totoo. Pero wala naman ‘yun eh, kaibigan din namin si Kris, kampanya lang ang lahat ng ito,” say ni Sen. Villar kasama sina Willie Revillame at Manny Pacquiao bilang celebrity endorsers niya.
Sinagot din ni Sen. Villar tungkol sa umano’y gina-gamit niya ang show ni Willie na Rockatropa para sa kanyang pangangampanya.
May mga intrigang lumabas kasi na kunnwari lang na show ni Willie na Rockatropa sa mga probinsiya pero kampanya raw talaga ito ni Sen. Villar, na pinabulaanan naman niya.
Kaliwa’t kanan din ang pagbatikos kina Willie, Mang Dolphy at Pacman dahil umano sa record nilang pagiging lapitin sa mga babae, na maging ang CBCP (Catholic Bishops Conference of the Philippines) ay nag-react.
Nagulat man si Senador Villar sa mga ganitong intriga, agad niyang ipinagtanggol ang mga kaibigan.
“Ayokong manghusga ng tao. Para sa akin, mabuti silang tao at mga kaibigan ko sila. Pareho silang nagdadala ng karangalan sa ating bansa,” depensa ni Sen. Villar.
Nag-react din si Willie Revillame sa isyung mga babaero raw sila kaya kini-kuwestiyon ang kanilang kredibilidad.
Agad namang depensa ni Willie, bakit lagi na lang daw mga kapintasan nila ang nakikita ng ibang tao?
“Ano ba ‘yung imoralidad? Katulad ho ako, I’m annulled, wala akong asawa, binata ako. Kung ako man ay may nakakasamang babae o dini-date, ibig hong sabihin niyan, naghahanap ako ng babaing makakasama ko sa buhay.
“I think ‘yun ang importante. Ano ba ‘yung imora-lidad? Kung ako man ay manligaw o ma-in love sa akin ang isang babae, na hindi ko naman pinipilit, ibig sabihin kailangan ko rin maghanap ng mamahalin ko. Saka, ’di ba, napakaganda ‘yung maraming nagmamahal sa ‘yo at maraming nagkakagusto sa ‘yo. Kung walang nagkakagusto sa ‘yo, palagay ko may problema ang pagkatao mo. Mas maraming nagmamahal sa ‘yo, I think mas ma-kikilala kung sino ka,” mahabang paliwanag ni Willie.