Manny Pacquiao di pumayag na palitan si Willie Revillame sa Wowowee

    470
    0
    SHARE
    Marunong palang umintindi ng delicadeza at tumanaw ng utang na loob si Manny Pacquiao. Buong ningning niyang tinaggihan ang offer ng Dos para pumalit kay Willie Revillame sa Wowowee.

    Totoo pala na inoperan ng Dos si Manny Pacquiao mag-host ng Wowowee pero agad niya itong tinanggihan dahil tumatanaw siya ng utang na loob kay Willie Revillame.

    Malaki raw ang naitulong sa Pambansang Kamao ni Willie sa pangangampanya kaya itinuring niya itong kaibigan.

    Isa pa, may sitcom si Manny sa GMA7 na Show Me Da Manny, napapanood every Sunday pagkatapos ng Showbiz Central.

    Ngayong nahalal na Ccngressman si Manny, balak daw niyang mag-imbita ng foreign sportswriter para sa inagurasyon niya ngayong June.

    Ayon na rin sa manager ni Manny, inihahanda na ang bonggang preparasyon para sa nasabing okas-yon para ma-accommodate ang darating na foreign press na magko-cover kay Pacman. Magsisilbing advance promo na rin ito para sa nalalapit na  laban niya kay Floyd Mayweather sa November, kung walang magiging aberya. Pangako naman ni Pacman na huling laban na niya ito para makapaglaan ng panahon bilang public servant. Babalikan din niya ang pag-aaral at uunahin ang crash course sa Public Administration and Governance.

    Pero giit ni Manny, hinding-hindi niya iiwanan ang telebisyon at kapag libre ang kanyang schedule, magte-taping siya ng Show Me Da Manny.

    Ngayon ay nasa Amerika si Manny kasama ang pamilya para magbakasyon at tanggapin na rin ang award bilang magaling na boksingero.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here