Home Headlines Mangingsida sa Samal, Bataan tutol sa fish importation

Mangingsida sa Samal, Bataan tutol sa fish importation

365
0
SHARE
Mangingisda sa Samal, Bataan tutol sa fish importation

SAMAL, Bataan: Nagpahayag nitong Biyernes ng pagtutol ang mga mangingisda sa Samal, Bataan sa pag-aangkat ng pamahalaan ng isda sa ibang bansa at sa halip, hiniling nila na tulungan na lamang sila ng gobyerno.

Mangingisda sa Samal, Bataan tutol sa fish importation

Ayon kay Efren Dioniso, chairman ng Pinagsama-Samal, samahan ng mahigit 100 mangingisda sa Samal, hindi na kailangan na umangkat pa ang Pilipinas ng isda. “Baka lalong magmahal ang isda at maging kaawawa ang mga mangingisda at mamimili.”

Mangingisda sa Samal, Bataan tutol sa fish importation

Inamin ni Dionsio at ng iba pang mangingisda tulad nina Victor Raci at Ramon Austria ng Barangay East Daan Bago sa Samal na medyo mahina ang huli nilang isda ngunit mareremedyuhan umano ito sa pamamag-itan ng ayuda ng pamahalaan at hindi ng pag-aangkat.

“Bigyan na lamang ng puhunan ang mga mangingisda na pambili ng lambat, bangka, makina at iba pa,” sabi ni Dionisio.

“Tulungan sana kami ng kaunting puhunan ng gobyerno,” sabi ni Raci habang inaayos ang kanyang lambat.

“Ang fish importation ay makakahina sa aming kita. Ang hinihintay namin ang tulong ng gobyerno kasi sa totoo lang napakahina ng panghuhuli ng isda ngayon at hirap na hirap na kami,” sabi naman ni Austria. (30)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here