Mangingisda sa Mariveles apektado ng malalaking alon

    255
    0
    SHARE
    MARIVELES, Bataan — Maghapon hanggang gabi ng Martes na binabayo ang Bataan ng pabugso-bugsong katamtaman hanggang malakas na pag-ulan dulot ng hanging habagat.

    Halos zero visibility ang kalsada papasok sa zigzag road sa bayan ng Mariveles. Apektado ang maraming mangingisda mula Porto del Sol at Biaan, dalawang barangay ng Mariveles, dahil sa malalaking alon.

    Sinabi ni Jason Aguilar, 27, ng Porto del Sol, na mahigit isang linggo na silang hindi nakakapalot upang mangisda.

    “Sinusubok naming lumabas para makakuha ng pambili ng bigas pero madalas wala kaming huli at hindi namin kaya ang malakas na alon,” sabi ni Aguilar.

    Waring umaatungal din ang malalaking alon sa dagat ng Biaan. Ayon kay Jasel Pituhani, 39, mahigit isang linggo nang hindi nakakapalaot ang mga mangingisda sa Biaan. Mabuti na lamang, aniya, at may tricycle siya kaya may pinagkakakitaan siya.

    “Malabo ang tubig kaya walang mahuling isda. Kapag nagkamali ng kaunti sa pagtulak ng bangka, giba ito dahil sa kahahampas ng malakas na alon sa batuhan,” sabi ni Pituhani.

    Nakadaong ang maraming bangkang pangisda sa dalawang barangay.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here