Home Headlines Mangingisda sa Bataan apektado ng oil price hike

Mangingisda sa Bataan apektado ng oil price hike

1154
0
SHARE

Bangkang pangisda na naghahandang pumalaot. Kuha ni Ernie Esconde


 

MARIVELES, Bataan — Dumaraing ang mga mangingisda sa bayang ito na pumapalaot sa bahagi ng West Philippines Sea dahil sa patuloy na pagtaas ng halaga ng krudo at gasolina na gamit sa kanilang bangkang pangisda.

Sinabi ni Danilo Torrefranca, in-charge sa pamimili ng krudo ng fishing boat (FB) Triple R, mahigit 3,000 litro ng diesel fuel at 1,800 litro ng gasolina ang gamit nila sa bawat pangingisda sa Palawan.

Ang krudo ay gamit sa primary boat samantalang ang gasolina ay para naman sa mga maliliit na service banca na ginagamit sa mismong pangingisda.

Ang presyo umano ng krudo noong Agosto ay P35 bawat litro samantalang ang gasolina ay P49 kaya umaabot sa P180,000 ang kabuuang gastos nila noon ngunit ngayon na P49 ang krudo at P59 naman ang gasolina, umakyat na sa mahigit  P240,000 na ang konsumo.

Ito, aniya, ay bale konsumo nila sa krudo at gasolina papunta sa pangisdaan mula sa Barangay Sisiman, Mariveles, pangingisda sa loob ng 20 araw at pabalik  mula sa bahagi ng West Philippines Sea sa Palawan.

May panahon umanong kakaunti ang huli kaya inaabot sila ng 20 araw sa laot.

“Napakahirap at halos walang kita dahil patuloy na tumataas ang halaga ng diesel at gasolina.  Sana, bumaba naman ang presyo nito,” daing ni Torrefranca at mga kasamahang mangingisda.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here