SUBIC, Zambales – Kalaboso ang sinapit ng isang kawani ng Hanjin Heavy Industries Company, Ltd., sa Redondo Peninsula, Sitio Agusuhin, Barangay Cawag, dito na pinaniniwalaang “courier” ng ipinagbabawal na droga matapos itong masakote ng Security Officer habang papasok ito sa kanyang trabaho.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Chief Inspector Arnel Dial, hepe ng Subic Police Station, kinilala ang suspek na si Aldrian Adiova, 22, nakatalaga sa Special Assembly Part ng Hanjin at residente ng no. 2147 Apitong St., Barangay Old Cabalan, Olongapo City.
Ayon sa ulat papasok na sa trabaho ang suspek ng kapkapan ito ni Security Officer Joel Batiguin at nakuha sa pag-iingat ng suspek ang may limang pirasong plastic sachet ng marijuana fruiting tops na nakalagay sa kaha ng sigarilyo.
Nakuha pa sa pag-iingat ng suspek ang isa pang sachet ng marijuana na nakalagay sa medyas nito ng ipahubad ang kanyang sapatos bago ito ipasok sa detention cell.
Ang suspek ay nasa pangangalaga na ng Subic Police at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165.