Home Headlines Mangga sa Bataan ginagawang shake

Mangga sa Bataan ginagawang shake

466
0
SHARE

BALANGA City: Wala pang manggang nabubulok sa Bataan na itinatapon o ipinamimigay bagama’t bumaba ang presyo nito.

Ito ang sinabi ng ilang tindera sa Plaza ng Balanga at Balanga City Public Market ngayong Miyerkules.

Ang manggang ibinebenta ni Wendy Lahera sa DTI diskwento caravan sa Plaza ng Balanga ay P70 lamang ang isang kilo. “Medyo mababa ang sa amin kasi ani lang namin at kabilang kami sa diskwento caravan. Sa iba umaabot ng P100 – P120 ang kilo depende sa klase ng mangga.”

Sa tanong na kung may nabalitaan na siyang nabubulukan ng mangga sa Bataan – wala pa raw, sagot nito.

Ito rin ang sinabi ni Ashley Peñalosa, tindera ng mangga sa palengke ng Balanga. “Ang iba dito ginagawang shake kung baga hindi siya natatapon, napapakinabangan pa siya. Okay na okay pa dito sa Bataan. Bumaba ang presyo pero walang natatapon na mangga dito dahil ginagawang shake.”

Ang malaking hinog na manggang kalabaw na tinda ni Peñalosa ay P100 na lamang mula sa dating P120 ang isang kilo. (30)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here