Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Chief Inspector Leonardo Madrid, hepe ng Subic Municipal Police Station, kinilala ang biktimang si Roland Detera, 35, welder ng Hanjin, tubong Juban, Sorsogon at residente sa nasabing lugar. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya alas-5 ng madaling araw nang maisipang pumalaot ng biktima sakay ng maliit na bangka para mangawil ng isda at sinamantala nito na siya ay nakabakasyon.
Ayon sa mga testigo nakita nilang nahulog ang biktima sa kanyang bangkang sinasakayan at nakahingi pa ito ng saklolo sa mga nagdaraang bangkero sa lugar bago ito tuluyang lumubog sa tubig.
Dahil sa bilis ng pangyayari hindi na nailigtas ang biktima at humingi sila ng saklolo sa mga rescue team.
Ang bangkay ng biktima ay nakalagak ngayon sa Subic Memorial Homes.