Kung pati‘users’ ng ipinagbabawal
na droga at ibang bagay na iligal
ay kinakailangang matukoy kung sadyang
adik na nga at ang isip di na normal
O nalason na ang mga utak nila
ng mapaminsalang shabu’t marijuana,
mas makabubuting hulihin din sila
at sa ‘rehab centers’ ikulong lahat na.
Para di lumala ang pagkagumon n’yan
sa lintik na drogang salot ng lipunan;
Na hayan at mga gahamang opisyal
ng gobyerno mismo ang tila kapural
At nagkakamal ng bunton ng salapi
habang taongbayan ang sa gawang mali
ng mga yan ang nagpapagamit lagi
para lang mabuhay sa kitang kakaunti.
Tulad na lang nitong mga nagtutulak
ng shabu at saka ibang ‘illegal drugs’,
Batid na ang panganib na kaakibat
ng ganyan, ano’t di magawang umiwas?
Ya’y posibleng sanhi na rin ng kawalan
ng pagkakitaan sa paraang legal,
Dala nitong gusto man nilang mamuhay
Sa tulo ng pawis, walang mapasukan.
At kung palarin man silang makahanap,
pinakamatagal na ang ‘3 to 5 months’
na ipagtrabaho nitong nagsisikap
buhaying marangal ang asawa’t anak.
Kasi nang dahil sa walang ‘security
of tenure’ ang lahat, ga’no man kasilbi
ang isang ‘worker’ ay ‘casual’ yan parati,
kaya mas malimit silang mabakanti.
At kung saan bago pa yan makakita
ng trabaho uli, dilat na ang mata
ng pamilya nito kaya saan na siya
sa akala natin susuong kumbaga?
Kundi sa anumang pagkakakitaan
na kung saan kahit itaya ang buhay
ay walang pangimi niyang isusugal,
huwag lang sa gutom ang kaanak mamatay!
Kung saan nang dahil sa nakaka-adik
ang shabu na siyang pinakamabilis,
pagkaperaan ng mga maliliit,
maraming ‘jobless’ ang diyan kumakapit.
At dahil sa puntong ang rehimeng Aquino
ang tila posibleng nagkulang siguro,
kaya naman hayan lumobo ng husto
ang problema bago pa bumaba ito.
At kung hindi dahil kay Pangulong Digong
ay baka sa loob lang ng isang taon
umpisa ngayon ay wala na sigurong
di adik sa droga sa “Bureau of Prison”
At maging sa ibang ahensya’t tanggapan
ng ating gobyerno walang katiyakan,
na di pa rin lulong ang ilang opisyal
sa lintik na shabu, na nakabubuwang.
At this juncture may we respectfully suggests
To all our current government officers,
Particularly to our dear President,
That any suspect must undergo a drug tests?!