Ayon sa baguhan, nakagugulat daw na ganoon pala kalibog ang manager na ito. Akala raw niya disente ito pero nagkamali pala siya. Nawala raw ang respeto niya rito simula nang gawin niya ito.
“We still meet sometimes, I still greet him, siya naman, parang gusto pa rin niyang ulitin. Sabi ko sa kanya, if he does that again, I will be forced to take a stand,” may halong bantang sabi pa ng baguhang aktor.
Pumunta lang daw siya sa comfort room ng isang sikat na network, sinundan na siya nito and from there, talagang hinawakan nito ang kanyang sex organ pero pumalag siya. Tinangka rin daw siyang halikan nito pero hindi nito hinayaang magtagumpay ito.
Isa pang bading ang nagtangka sa kanya bukod sa sikat na talent manager. Frustratred actor daw ito at hindi niya akalaing bading pala ito.