itong sa radyo napapakinggan natin,
natutunghayan sa mga babasahin
at sa telebisyon napapanood din.
Partikular na riyan ang sa araw-araw
na ginawa ng Diyos, may natatagpuang
biktima umano ng ‘extra judicial
killings,’na kung saan basta iniiwan;
Na balot ng ‘masking tape’ pati ang bibig,
binaril sa ulo, may saksak sa dibdib,
paa’t kamay nakatali nang mahigpit
sa alambre, kordon o kaya ng lubid;
At sa ibabaw ng bangkay nitong iba
may nakasulat na: ‘huwag tularan sila,
dahil ‘snatcher’daw at tulak ng droga
akyat-bahay, ‘rapist’ at/o ‘carnapper’ siya.
Sa puntong yan… iba’t-iba ang reaksyon
at komento pati sa tunay na rason,
bagama’t sa ganang sariling opinyon
ng nakararami madaling matukoy.
Kabilang na riyan ang posibilidad
na sila ay ‘pusher’ nitong ‘illegal drug’;
At ang nasa likod, (gaya ng nahayag)
ay hindi malayong mga ‘higher rank cop’.
At maaring kaya yan ay pinatumba
nitong kapural ng iligal na droga,
ay bunsod ng baka sila ay ikanta,
kaya inunahan na ng kung sino siya.
Upang kung sakali’t magkabukuhan man
ay di na posibleng mag-‘La Paloma’ yan,
(mag-ala Victor Wood at/o Cenon Lagman
sa pag-awit ng ibang klaseng Kundiman).
Pero tulad nitong ang Pangulo mismo
ang nagsabi, at pinangalanan nito
ang limang heneral (na siyang umano)
ay direktang sangkot sa bagay na ito.
Hindi rin malayo na may pulitikong
nasa likuran ng ganitong transaksyon,
(na kasanggang dikit ng rehimeng PNoy)
ang posibleng sabit kapag nagkataon
Na may lumitaw na posibleng magaling
kumanta at saka magpakending-kending,
at iturong bigla ‘in public’ pa mandin
kung sino ang nasa likuran ng tabing.
At kung saan itong ni hindi sumagi
sa ating isipan ay siya palang hari
ng tulak…ay baka kung saan mauwi
ang hinala natin, kung saka-sakali?
Walang imposible sa buhay na ito
na pugad ng lahat nang uri ng tao;
partikular na sa ibang pulitiko,
na nasapian na ng pitong demonyo.
Ano sa akala ng nakararaming
mga mamamayan itong nangyayaring,
sa lahat ng dako animo’y tiangge ring
ang bawal na gamot ay madaling bilhin?
Kundi ng posibleng ang administrasyon
ng dating Pangulo ay ‘irresponsible’
at walang nagawa sa buong panahon
ng kanyang ‘six years term;’ (di gaya ni Digong)
Na pag-upo pa lang niya sa Malakanyang
ay dumagsa na ang sumukong kriminal,
‘drug pushers, users’ at salot ng lipunan,
sa “Man of Action” na ating bagong halal!