LUNGSOD NG SAN FERNANDO – “Si Tony Mamac ay miyembro lang ng Liberal Party.”
Ito ang naging sagot ni Pampanga Gov. Eddie Panlilio nang tanungin siya ng Punto kung sino ang opisyal na kandidato ng LP sa lungsod ng Angeles sa isang press conference na ginanap dito kamakailan.
Hindi niya sinagot ng diretso ang tanong ngunit sinabi niya na hindi siya ang magdedesisyon sa kaso ng barangay captain ng Balibago dahil ang Angeles umano ay isang chartered city at hindi na sakop ng probinsya.
Napabalitang ayaw umanong i-endorso ni Panlilio si Mamac dahil sa lumabas na artikulo sa Punto at sa Philippine Star kamakailan. Ayon sa artikulo, si Mamac umano ay isang “girlie bar operator” at ang kinuha niyang vice mayor ay isang dating pari na si Cris Cadiang.
“Ang mga mataas na opisyales ng LP ang magdedesisyon sa kasong yan at hindi ako,” ani Panlilio na hindi naman nagpatutsada kay Mamac.
Dagdag pa niya na idinadaan sa proseso ng mga mataas na opisyales ng LP ang pagtanggap ng mga miyembro at kung ang mga ito ay i-eendorso para sa kanilang posisyong hahabulin sa 2010 eleksyon.
Sa isang panayam naman sa telepono kay Mamac, sinabi niya na simula pa noong Setyembre 2 ay acting city chairman na siya ng LP.
At noong Nobyembre 28 ay pinirmahan ni LP Secretary General Emilio Aguinaldo Abaya ang kanyang appointment bilang opisyal na city chairman at opisyal na kandidato sa pagka-mayor sa Angeles sa darating na eleksyon.
Nakapirma din aniya si Sen. Mar Roxas sa naturang dokumento.
“Bago pa maging provincial coordinator si Panlilio ay naging acting city chairman na ako ng LP,” ani Mamac.
Sa darating na eleksyon ay maglalaban sina Mamac, Subic Clark Alliance for Development Council Chairman Ed “EdPam” Pamintuan at Mayor Francis Nepomuceno para sa pagka-alkalde.