DEBOTO SI Ai-Ai delas Alas ni Mama Mary. Laging nagpapasalamat ang komedyana hindi lang sa mga biyayang dumarating sa kanya kungdi pati na rin tuwing nakakadama siya ng kalungkutan.
Kaya naman sa loob ng limang taon, binibigyan ng halaga ni Ai-Ai si Mama Mary sa pamamagitan ng pagbibigay ng selebrasyon sa kaarawan ng Mahal na Ina na nadaluhan namin nu’ng Linggo sa clubhouse
ng village na kinalulugaran ng bahay niya.
Bago sinimulan ang misa, nagkaroon muna ng refl ections tungkol kay Mama Mary. Inspiring ang mga sinabi nina Father Allan, Bro. Michael at Bro. Bo Razon. Sinundan ito ng grand mass ni Reverend Bishop Teodoro Bacani.
Bago matapos ang misa, ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat sa lahat ng pari na naging bahagi ng selebrasyon pati na sa lahat ng dumalo gaya ng mga artistang sina Nova Villa, Isabel Rivas. Brod Pete, Niki Valdez, Bayani Agbayani at Aljur Abrenica. Pati na sa lawyers na tumutulong sa kanyang legal cases.
Hindi kasi rito magsi-celebrate ng kanyang birthday sa November si Ai-Ai. Dadalawin niya ang mga anak niyang sina Nicolo at Sofi a sa Amerika. Nagkasakit din kasi ng pneumonia si Nicolo pero maayos na ang kalagayan niya.
“Siyempre, nagpapasalamat din ako kay Mama Mary dahil sa pinagdaanan ko ngayong taon. Hindi ko na ididetalye dahil maraming press! Ha! Ha! Ha!” bahagi ng pahayag ni Ai-Ai.
Sa totoo lang, ang daming pagkain at may sound system pa sa okasyon. Ang galing-galing ng choir lalo na nang magsolo ang isang girl na member nito.
Eh, nang magpaalam si Aljur kay Ai-Ai, ipinakilala muna niya ang aktor sa mga kaibigan niyang abogado.
“Kakausapin ni Aljur ang lawyers ko dahil aalis na siya sa GMA,” kaswal na banggit ni Ai-Ai. Itinanggi naman ni Aljur ang pahayag ni Ai-Ai bago siya umalis. “Nagulat nga ako sa sinabi niya. Hindi totoo ’yon! Ha! Ha! Ha!” tanggi ni Aljur sa amin.
Hinayaan na lang namin si Ai-Ai na istimahin ang kanyang mga bisita kaya maaga rin kaming umalis. Bakas sa mukha ng komedyana ang kasiyahan maidaos ang kaarawan ng kanyang minamahal na Mama Mary.
No wonder, patuloy ang dagsa ng biyaya kay Ai-Ai at nalalampasan ang bawat pagsbubok sa kanyang buhay.
Incidentally, this month na ang showing ng Kung Fu Divas nila ni Marian Rivera.