Ayon sa mga residente, may tatlong buwan na nilang ipinarating sa pamunuan ng MCWD ang problemang ito, ngunit hindi pa rin daw tinutugunan ang kanilang reklamo hanggang sa kasalukuyan.
Ayon kay Bong Cruz, isa sa nagrereklamo, alas singko pa lang ng umaga hanggang hapon ay wala nang tumutulong tubig sa kanilang gripo kaya napipilitan na lamang silang mag-igib ng tubig sa poso.
“Puro pabango na nga lang kami, hindi na kami naliligo,” ayon kay Cruz.
“Regular pa ang singil sa amin samantalang wala naman kaming nsisipsip na tubig kaya puro na lang kami umaasa sa tubig poso,” pagpapatuloy pa niya.
Sa gitna ng usaping ito ay halip na tugunan umano ng MCWD ang kanilang problema ay sinugod at hinamon pa ng away ng pitong empleyado ng MCWD ang isa sa nagrereklamo.
Ayon kay Jimmy Mendiola, kagawad ng baranggay sa San Vvicente, hinamon umano siya ng tatlong minutong suntukan ni Engr. Eelmer Magaling kasama ang anim pang empleyado ng MCWD sa ICSB Malolos Cathedral kung saan siya nagtatrabaho.
“Hindi ako dapat hinamon ng mga taga water district sa gilid pa ng kumbento,” pahayag ni Mendiola.
Reklamo pa ni Mendiola na nakita ng mga madre at mga magulang ng esdtudyante ang ginawang paglusob doon ng mga taga MCWD.
Ngunit itinanggi naman ito ni Magaling at sinabing nais lamang niyang linawin ang problema.
“Kaya ako nagpunta dun ay para kausapin sya,” ani Magaling.
Paliwanag pa ni Magaling na tinutugunan na ang problema sa serbisyo ng tubig sa Barangay SanVicente.
Samantalang, hindi naman nagbigay ng pahayag si Nicasio Reyes, general manager ng MCWD hinggil sa reklamo at umanoy paghahamon ng away ng kanilang mga empleyado.