Mall sa Bulacan nasunog

    407
    0
    SHARE
    MALOLOS CITY – Tinatayang aabot sa isang P1-milyong piso ang halaga ng ari-ariang nilamon ng apoy matapos masunog ang garments section sa isang mall sa lungsod ng Meycauayan, Bulacan kahapon ng madaling araw.

    Ayon kay Supt. Absalom Zipagan, director ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Bulacan, pasado alas-2 ng madaling araw kahapon ng makatanggap sila ng ulat na nasusunog ang Star Budget Shopping Arcade sa nasabing lungsod.

    Ang Star Budget Shopping Arcade isang dating sinehan na matatagpuan sa kahabaan ng MacArthur Highway sa Barangay Calvario sa Meycauayan.

    Batay sa ulat ng BFP, nasunog ang unang palapag ng gusali kung saan matatagpuan ang garments section ng mall at nadamay ang computer at appliance section.

    Umabot sa ikatlong alarma ang naturang sunog na tumagal ng mahigit dalawang oras bago nai-deklarang fire out.

    Wala namang naiulat na namatay o nasaktan sa naturang insidente.

    Ayon kay Zipagan, faulty electrical wiring ang pinagmulan ng sunog.

    Sinabi niya na lumutong ang goma ng junction box ng naturang gusali kayat ito ay nag-short circuit na siyang naging sanhi ng sunog.

    Bukod dito, may natagpuan ding methane at mga pandikit sa gitnang bahagi ng garments section.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here