SA itinawag na press conference sa Clark
ng dalawa r’yan sa pinaka- ‘key staff’
nitong Real Steel, may maaaninag
na maaring nating masabing ‘cover up’.
At medyo mahirap na madetermina
ang nasa likod ng tunay na istorya
hinggil sa kung bakit bigla ay iba na
ang ‘statement’ nitong kwenta lider nila.
Makaraang sila ay kapanayamin
ng Media hinggil sa pahayag ni Erwin
(Tulfo) matapos siyang pagtatanungin
ng ‘TV broadcaster’ nang ito’y sadyain.
Malay natin baka may taong nanakot
kundi man posibleng nangatog ang tuhod,
subali’t kung buo ang kanilang loob
at paninindigan – ang sumbong naayos.
Totoo o hindi itong akusasyon
nila sa may-ari ‘null and void’ na rin ‘yon
at wala ng dapat pang ipagpatuloy
na ‘inquiry’ pagkat sila ay umurong.
Sarado na’ng kaso, ‘moot and academic’
na rin ‘yan sa puntong lahat nanahimik,
gayon din naman ang ating ‘authorities’
at iba pang sa bayan may malasakit.
At ang isang taong di dapat madamay
sa sunog kumbaga ay ang walang malay
na si Melchor Tayag, na dating Konsehal
ng ‘town of San Simon’ sa pangyayaring yan.
Akalain po ba r’yan ni Mr. Tayag,
na ang litrato niyang ‘taken a few years back,’
kasama ang ilan, sa ‘complaint is attached’
na ‘photo,’ kung saan itong Intsik dapat?
Kasi ang ‘owner’ o tagapamahala
ang bale ‘respondent’ sa kaso kaya nga,
litrato n’yan dapat itong sa bukana
ng sumbong kay Tulfo, at di ibang mukha.
Kung itong litrato ay kwenta ‘exhibit’
na isusumite r’yan sa ‘court of justice,’
pasimula pa lang d’yan ng paglilitis,
anong kahinatnan kundi tiyak ‘dismissed?’
At maituturing na ‘fabricated case’
sa kadailanang itong kwenta suspect
ay di siya itong sa picture, ‘but instead
is another person, not the Chinese himself’.
Minsan, ang pagiging kawalan ng ingat
at padalus-dalos sa pamamahayag,
ang sa sarili ang puedeng ikasilat,
sa anumang bagay na isisiwalat.
Ngayong ni isa ay wala nang interes
yatang i- ‘pursue’ ang naunsyaming ‘complaint,’
may magagawa pa itong ating ‘subject’
kundi panibagong ‘hunting job’ d’yan ulit?
Kaysa tama’t sila ay mayrung trabaho
pero ang amo n’yan di raw makatao
ang pagkasiwalat n’yan kay Erwin Tulfo,
nang ito nga ay kanilang ireklamo?
Dangan nga lang maling lugar at okasyon,
at pagkakilanlan sa nakalitratong
mama, na akala ay may-ari nitong
RSC, kundi ang dati ngang councilor –
Mel Tayag, na naging MENRO ng San Simon
sa panahon ng panunungkulan ni Wong
bilang Alkalde r’yan at siya ang Vice Mayor
sa kasalukuyan ‘in this fast rising town!’