Maling akusasyon

    694
    0
    SHARE

    KUNG BAKIT higit ang bilang ng mahirap
    na napatay sanhi nitong ‘illegal drugs’
    kaysa maykaya at sagana sa lahat;
    ya’y dahil walang maperang nagtutulak

    Ikaw man bang ito na kumikita na
    sa ganyang negosyo at ibang ‘sidelines’ pa
    hahangarin mo pa bang makisawsaw ka
    sa patagong pangangalakal ng droga?

    Na kagaya nitong sinasabing sangkot
    sa bultuhang tulak ng bawal na gamot,
    na sina Espinosa at Parajinog
    na pareho manding mayor (na natigok).

    Ang isyu hinggil sa kampanya ni Digong
    laban sa droga na naging mitsa nitong
    sabi ay ‘extra judicial killings’ ngayon;
    yan sa ganang aking maling akusasyon.

    Pagkat hindi nga tayo nakatitiyak
    na ‘yan ay gawa ng alagad ng batas,
    dahilan na rin sa posibleng ang utak
    ay sindikato rin nitong ‘illegal drugs’.

    At upang ika nga’y di na makakanta
    itong mga ‘courier’ ng nasabing droga
    na bistado na sa aktibidad nila,
    ‘pinatatahimik’ mismo ng kasangga.

    Ang ‘riding-in-tandem’ na ngayo’y laganap
    ay posibleng di rin alagad ng batas
    ang nasa likod ng pagpatay at sukat,
    kundi ng kapwa ring ang negosyo’y tulak

    (Maari din namang kung si Juan ay galit
    kay Pedro, madali niyang maipaligpit
    sa pamamaraang ‘EJK’; at pulis
    ang suspek at di ang ‘gun for hire’ na ‘culprit’.

    Sa palagay kaya nitong kay Duterte,
    na palaging kontra ay makabubuti
    sa administrasyon ang laging sinasabi
    ng isang senador na dating rebelde?

    At anhin na lamang yata ng taong ‘yan
    ay mag-aklas laban sa pamahalaan
    ang taong-bayan at siya ang ilagay
    sa puestong noon pa gustong mahawakan?

    Kung sa akala ng senador na ito
    ay walang bahid ng pagka-terorismo
    a/o ng ‘sedition’ ang pagkilos nito
    laban kay Digong ay mali si Antonio.

    At kung saan para niyang itinutulak
    si Duterte para sa isang marahas
    ‘but a lawful action’ at karapatdapat
    ideklara niya ano pa mang oras.

    At ‘yan ang sa isip ng mga kalaban
    ay di kayang gawin nitong Malakanyang
    kasi ang akala ‘unconstitutional’
    at di naayon sa prosesong legal?

    Kahit tayo ay di maalam sa batas
    ating masasabi na may legalidad
    itong kay Pangulo gustong ipatupad
    na kautusan sa buong Pilipinas

    Na rebulusyonaryong pamamahala
    kapag di naglubay itong sa akala
    nila ay di alam ni Digong ang tama
    na marapat ipairal sa’ting bansa.

    Ngayong ang kagaya r’yan ni Trillanes
    at iba pa tila sadyang ninanais
    nilang si Duterte’y mamatay sa inis
    upang sa Palasyo sila ang pumalit?!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here