Masarap ka-interview-han si James Uy.
Napaka-open kasi niya at lahat ng tanong ay sinasagot niya nang diretso.
Inamin niyang sobra siyang na-depress nang mag-break sila ni Regine Angeles, na naka-relasyon niya ng mahigit isang taon.
Hindi raw nag-work ang relasyon nila dahil marami silang bagay na hindi pinagkakasunduan.
“Noong una, opposites attract each other, tapos nang tumagal na, opposites clash na,” he said.
Sobrang na-hurt daw siya nang mag-break sila at talagang nag-iiyak siya.
“Sobrang na-depress ako, nagkulong ako sa kuwarto, iyak nang iyak. Sobrang na-hurt ako,” he said.
Inabot daw ng dalawang buwan bago siya naka-move-on at ngayon ay happy na raw siya na marami silang good memories ni Regine.
Inamin din ni James na naging girlfreiend niya ang isa pang starlet na si Carla Humphries. Si Carla naman nagsabing puppy love lang niya si James Uy.
After Rigodon, comedy naman ang next film ni John James sa Viva kaya pahinga muna raw siya sa paghuhubad tulad ng ginawa niya sa nasabing sexy film kung saan ay pinag-usapan nang husto ang matitinding love scenes nila ni Yam.