Very reliable ang source naman sa item na ito. Puwedeng sabihing mismong taga-kampo pa ni Pops ang nag-reveal nito. Pero di na naming siya pangangalanan para sa kanyang protection.
Kunsabagay, nauna na ngang lumabas in broadcast and in print na talaga namang pera ang matinding dahilan ng paghihiwalay nina Jomari at Pops Fernandez. Pero nang umamin na nga si Jomari sa paghihiwalay nila ni Pops, sinabi nitong hindi pera’ng dahilan ng kanilang break up. Mas lalong hindi naman daw sila nagngulila sa isa’t isa dahil lagi naman silang magkasama. Kumbaga, walang malinaw na dahilang ibinigay si Jomari sa paghihiwalay nila. Parang pinalalabas niyang basta na lang sila nagkalabuan at paggising nila isang araw, ayaw na nila, nagkasawaan na sila.
Si Pops, na-shock daw siya. Pero aniya, she will keep going on with life, she will move on at kahit na nalungkot siya, wala na siyang magagawa sa sitwasyon.
Pero taliwas yun sa kuwento ng aming source sa tunay na dahilan kung bakit nga naghiwalay ang dalawa.
“Pera, pera talaga, wala ng ibang dahilan,” seryosong kuwento pa ng aming source.
Nagdetalye na ang aming kausap tungko sa usaping pera ng dalawa.
Kung matatandaan daw, nagkaroon pa ng Missing You concert sina Pops at ang ex-dyowa nitong si Martin Nievera. Isa is Joamri sa tatlong producers ng naturang concert. Alam naman nating malaking halaga ang involved sa concert na ito. Such that, kailanga talaga, makapag-down payment sila sa mga artista in due time.
Yun naman pala, wala namang cash si Jomari para maipan-down man lang sa sosyo niya sa concert. Rerquirement daw kasi yung half million na down pero wala nga siya nito. Ayaw naming mapahiya ni Pops ang kanyang boyfriend kaya siya na’ng nagpahiram kay Jomari para nga bigay sa mga kasosyo nito. Promise daw ni Jom, isang linggo lang, ibabalik na niya yung pera. Siyanga pala, kay Jom din daw natoka yung talent fee ni Pops para sa concert. Kumbaga, si Jom na ang magbabayad sa kanya.
Ang siste nga, matagal nang tapos ang concert di pa maibalik ni Jomari yung pera at dir in naibigay yung talent fee ni Pops.. Araw araw daw silang nagsdidiskusyon tungkol dito, hanggang sa lumala na’ng usapan na nauwi nga sa hiwalayan nila ni Pops.
“Pera talaga, pera lang ang pinag-awayan nila,” paulit- ulit na sabi pa ng aming source.
So there!
Naalala tuloy namin, na lumalabas na pera din ang dahilan ng paghihiwalay nina Jomari at Ara Mina noon. Na umabot din yata sa malaking halaga yung nakuha ni Jomari kay Ara at nang tumagal, nagsawa na raw si Ara na parang lumalabas namang azucarera de mama siya dahil bigay siya nang bigay ng mga materyal na bagay noon kay Jomari.
At heto nga ngayon, pera na naman ang tinuturong dahilan kung bakit hiniwalayan siya ni Pops. Hindi kaya matatakang manghuhuthot si Jomari dahil nga sa dalawang magkasunod na babaing nang-iwan sa kanya dahil sa pera?
Kahit na sinasabi naming reliable ang source, still hindi namin sinasabing factual yung kuwento sa amin. Puwede pa rin nating lagyan ng factor of doubts ang kuwento niya lalo na nga’t di naman nagsasalita ang sinoman sa dalawa. At the moment kung ano ang sinabi ng dalawa kung bakit sila naghiwalay still holds.
Ang sa amin lang, we would like to share yung kuwento sa aming pera nga ang dahilan ng paghihiwalay nina Pops Fernandez at Jomari Yllana.