SAMAL, Bataan- Isang malaking ibon ang natagpuan matapos bumulusok magtatakip-silim ng Sabado sa kabukiran ng sityo Bubuyog sa Ibaba, Samal, Bataan. Nang suriin ay may sugat sa ilalim ng kaliwang malapad na bagwis.
Pinagkaguluhan ng mga bata at hindi malaman kung saan dadalhin ang ibong may halos isa’t kalahating metro haba ang bagwis . Ang pambihirang ibon na may mahabang tuka ay naghihingalo na.
Kulay itim ang pakpak at malaking bahagi ng katawan ng ibon na may puting tila mga bulak sa dibdib nito. Halos puti rin ang tuka nito.
Hindi kilala ang ibon bagama’t ang mga bata ay pinangalanan itong “tikwi”. Maraming nanghinayang dahil hindi man lamang nabigyan ng pangunang lunas ang sugat ng ibon na panibagong biktima ng “kalupitan” umano ng tao at pagwawalang-halaga sa kalikasan.
Lungkot na lungkot ang mga bata habang minamasdan ang kawawang ibon na namatay din makalipasa ang ilang minuto.
Hindi na ipinagbigay alam ng mga bata sa mga opisyales ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang naturang ibon at ibinaon na lamang ito.