SAMAL, Bataan — Isang makulay na prusisyon ang ginanap ng simbahang Iglesia Filipina Independiente o Aglipayan Church sa bayang ito noong gabi ng Dec. 8 bilang pagdiriwang sa Feast of the Immaculate Conception.
Maraming mananampalataya ang lumahok sa grand Marian procession bilang paggalang sa Birheng Maria na itinuturing na Ina ng mga kasapi ng IFI at ng Catholic Church na nagkaroon ng malinis at walang dungis-kasalanan na conception at nagsilang sa Panginoong Hesus.
Naggagandahan ang mga karosa na napapalamutian ng mga bulaklak at maliwanag na maliwanag ang mga ilaw ang kinalululanan ng iba-ibang imahen ng Birheng Maria.
Kalahok sa prusisyon ang ilang batang babae na puting-puti ang kasuotan. May mga musikero na walang sawang nag-aalay ng masayang tugtugin.
Pinangunahan ang prusisyon ni Rev. Fr. Roderick Miranda ng Parish of St. Catherine of Siena ng IFI – Samal.