OLONGAPO CITY – Kalaboso ang sinapit ng isang machine operator matapos mahulihan ito ng marijuana ng mga pulis na nagroronda sa 4th St., Barangay West Tapinac, sa lungsod na ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Cesar Grajo, 29, residente ng No. 27-G Otero Avenue, Barangay Mabayuan at machine operator ng EZSET sa SBMA.
Sa ulat ng pulisya kasalukuyang nag-roronda ang mga ito nang makita nilang may itinapon ang suspek sa kalsada at nang kunin ito ay isang sachet ng marijuana fruiting tops.
Nang kapkapan ang suspek nakuha sa kanyang “sling bag” ang isa pang sachet ng marijuana fruiting top.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11, Article ll ng RA 9165 o pag-iingat ng ipinagbabawal na droga.