Makatotohanang SOPA

    282
    0
    SHARE
    Sa kasaysayan ng Pampanga, ngayon lang
    Marahil nangyari ang magkaroon iyan
    Ng gobernador na katulad ni ‘Nanay’
    Na may sinseridad sa tungkuling taglay

    Kung saan maliban sa napakasipag
    Ay tunay naman ding mahusay at tapat
    Sa gampaning naka-atang sa balikat
    Bilang ‘Ina’ ng kaprobinsya at lahat

    At nitong iba pang kahit di ‘kadugo’
    Ay nabigyang tulong na bukal sa puso
    Ng butihing Gob na walang tinatago
    Na anumang bagay na puedeng bumaho

    Dahilan na rin sa lantad ang lahat na
    Ng opisyal nitong pagkilos sa tuwina,
    At lahat ng ‘income’ ng Capitol kita
    Ng mata ng kanyang mga kaprobinsya

    At kung ano pati pinagkagastaan
    Ng kabangbayan ng ating lalawigan
    ‘Accounted’ ultimong kusing – at kung saan
    Nagamit – at walang ‘ghost project’ isa man.

    Kung kaya naman ang ‘millions of pesos’ na
    Kinita sa ‘quarry’ ng ating probinsya,
    Yan sa iba’t-ibang proyekto napunta
    At di kung kaninong malalim ang bulsa.

    Sa tatlong oras na SOPA ni Governor
    Ay paisa-isang maliwanag nitong
    Naipahayag sa mga sandaling iyon
    Ang bilyong pisong kinita ng capitol

    Sa loob lamang ng limang taon halos
    Na higit ang laki kaysa noong ang Gob
    Ay ang mag-ama pang ’12 years’ na naluklok
    Ngunit ang kita sa ‘quarry’ kapiranggot!

    Di ko sinasabing ibinulsa nila
    Ang ‘millions of pesos’ na dapat kinita
    Ng Capitol noong sila ang nand’yan pa
    Pero di ba’t lubhang nakapagtataka?

    Ang biglang pagsirit kung walang anumang
    ‘Hide & seek’ sa ‘income’ natin sa naturang
    Likas na yamang bigay ng kalikasan
    Kung di nagkaroon ng ‘hokus-pokus’ diyan?

    At nang maupo lang ang ‘priest-turned-governor’
    Lumobo ng bigla ang ‘daily collection,’
    Kaya anong posibleng isipin nitong
    Ating kaprobinsya kung di binulsa iyon?

    At ngayong si ‘Nanay Baby’ na ang siyang
    Nakaupo bilang Punonglalawigan,
    Makasampung beses mang ya’y i-multiply
    Baka hindi pa rin makayang tumbasan?

    Kaya naman nitong nakaraang SOPA
    Ng ating mabait na Gobernadora,
    Saludo ang lahat ng mga bisita
    Partikular ang kapwa opisyal niya

    Gaya halimbawa ni Cong. Oca at Yeng
    Mayors EdPam, Boking, at ngayon incumbent
    Arayat town Mayor na si “Bon” Emmanuel
    (Alejandrino) na ‘Idol ng Kabalen’.

    At ng marami pa, tulad nina Mayors
    Annette Balgan ng famous Macabebe town,
    Leonora Capule-Wong nitong San Simon
    At iba pang nagsidalo sa okasyon.

    Na di na kailangan pang isa-isahin,
    Baka may masabi akong di dumating;
    Sa kabuuan ay masasabi nating
    Ang SOPA ni ‘Nanay’ “super and very clear”.

    At madaling maunawaan ng lahat
    Pagkat detalyado nga ang pag-uulat
    Ni Gob sa SOPA niyang mahigit tatlong oras
    Inabot pero ang ‘audience’ di nabawas!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here