Home Headlines Makatang Ecijano wagi sa Saniata Prize

Makatang Ecijano wagi sa Saniata Prize

911
0
SHARE

LUNGSOD NG CABANATUAN — Nasungkit ng Novo Ecijanong makata na si RB Abiva ang unang gantimpala sa katatapos na 7th Saniata Prize na taunang inilulunsad ng Saniata Publications.

Kinilala ng hunta ng hurado ang husay ni Abiva sa pananalinghaga at paggamit ng alusyon at alegorya sa kaniyang koleksiyon ng mga tula na pinamagatang Depu, Lima nga Orasion ti Batbat Kontra Batibat ti Kagimongan (Abo, Limang Orasyon ng Ritwal Kontra sa Bangungot ng Bayan).

Kabilang sa mga kalahok ang makatang sina Johmar Alvarez (Ontario, Canada) at Prodi Gar Padios (Alberta, Canada).

Nagsilbing hurado naman sina Dr. Joel B. Manuel (iskolar, lingguista, author, nobelista at makata), Roy Vadil Aragon (premyadong makata), at Ariel Tabag (premyadong makata, kuwentista, at nobelista).

Ang Saniata Prize ay taunang patimpalak sa pagsulat ng avant garde na tulang Ilokano na nilalahukan taon-taon ng mga pinakamahuhusay na makatang Ilokano sa buong bansa at buong mundo.

Nakatakdang igawad kay Abiva ang kaniyang napanalunan bago magtapos ang taon kasabay sa paglulunsad ng mga librong inilimbag ng Saniata Publications.

Noong 2019 ay nasungkit ni Abiva ang ikawalang gantimpala para sa nasabing natatanging patimpalak sa pagsulat ng Ilokanong tula o daniw, sa buong bansa at mundo. Siya rin ang tagapagtatag ng Samahang Lazaro Francisco at awtor ng sampung libro ng mga tula, maikling kuwento, at dagli, at isang libro ng nobela.

 

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here