Kung totoo itong mga pagbubulgar
ni Mercado laban sa pamilyang Binay,
hinggil sa aniya ay maanomalyang
transaksyong tunay na pinagkakitaan
Nila ng milyones kaugnay umano
ng ‘car park building’ na pinagawa nito,
Ano’t ngayon lang lumantad sa publiko
ang dyaskeng yan upang ibulgar ang isyu?
Sana, noon pa man ay ginawa na n’yan
ang pagsisiwalat sa isyung naturan,
nang sa gayon ay di na nakatungtong yan
sa puestong hawak niya sa kasalukuyan
At di tulad nitong kung kailan pa halos
ang ‘official term’ ni JB ay patapos,
saka lang naisip isingaw ang bulok
ng dating kasangga sa pangungurakot.
Yan ay kung tunay ngang si Mr. Mercado
ay nagsasabi ng talagang totoo;
At kung saan pihong ‘implicated’ ito
Dahil naambunan din naman ng husto.
At sa sarili din naman nitong bibig
galing ang posible niyang ika-ipit
lalo’t di lang minsan, kundi ilang beses
siyang nakatanggap nang paulit-ulit.
O baka bunsod lang ng di pagkapuesto
sa Makati bilang city Mayor dito?
Dahil kapamilya rin ni Binay mismo
ang pumalit… at di si VM Mercado?
Kung kaya kumanta ng kung anu-ano
para siraan lang si Binay ng husto?
Kung saan pati na yaman ng kung sino
nais palitawing kay VP umano?
Sa panig ni Binay ang pintas lang natin
ay kung bakit di niya magawang siputin
sa Senate ang ilang beses nilang ‘settings
of hearing’ upang ang isyu ay sagutin?
Kaya nga’t sa puntong yan ay bumibigat
ang hinala r’yan na totoo ang lahat;’
Na taasang sa Senate ay inihayag,
ng dating Bise niya na isa ring ‘corrupt’.
Mabuti-buti kung sila ay kasangga
ni PNoy, gaya riyan ni Chief Purisima,
ay medyo malayo sila sa disgrasya
na matulad kina Arroyo’t Estrada.
(Na maaring ganyan din ang kahantungan
ni PNoy pagbaba niya ng Malakanyang
kung ang makapalit sa panunungkulan
ay di “kaututang-dila” o kabagang).
Dahilan na rin sa kung palaging ganyan
na animo’y parang hanapan na nga lang
ng butas ang mga dating nanungkulan,
sa palagay ko’y walang di makakasuhan
Partikular na sa talagang matalas
ika nga ang gunting n’yan sa pandurugas;
Na ni gabinlid na ginto nang umakyat
ay wala sa bulsa kundi tanso’t pilak
Pero bago pa man bumaba sa puesto
ay may Mansion na at malawak na Rancho,
maliban sa ‘millions of pesos’ sa bangko;
Saan na ang bansa natin patutungo?
Kung di sa lalo pang pagkakalubog
Sa hirap at dusang di matapos-matapos
Sanhi nga ng matinding pangungurakot
Ng ilang lider na makapal ang apog!